Sunday , March 7 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Derek Ramsay, binabansagang ‘pambansang tikim’
Derek Ramsay, binabansagang ‘pambansang tikim’

Derek Ramsay, binabansagang ‘pambansang tikim’

BINA-BASH ngayon si Derek Ramsay matapos lumabas ang mga larawan kasama si Ellen Adarna. Ito’y matapos mag-post ni Ruffa Gutierrez ng mga larawan at video ng isang dinner party na ginanap sa bahay ng actor na kasama rin si John Estrada.

Sa isang larawan, makikita ang titigan nina Derek at Ellen na nilagyan ito ni Ruffa ng caption na ‘walang malisya.’ May ilang netizen naman ang nagkomento na sinabing may panibagong aabangan.

Ngunit mas marami pa rin ang nam-bash sa actor at binansagan pa itong ‘pambansang tikim’ dahil matapos kay Andrea Torres, lumipat naman ito kay Ellen.

Matatandaang bago ma-issue kay Ellen, naispatan din ito kasama ang fitness model na si Aya Tubillo matapos ang break-up kay Andrea. Well, ganoon na nga ba ang tingin ng ibang tao kay Derek, na tinitikman lang ang mga nakakarelasyon at hindi sineseryoso?

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top