Saturday , February 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ellen Adarna gumigimik para sa sitcom nila ni John Estrada (Ginamit si Derek Ramsay)
Ellen Adarna gumigimik para sa sitcom nila ni John Estrada (Ginamit si Derek Ramsay)

Ellen Adarna gumigimik para sa sitcom nila ni John Estrada (Ginamit si Derek Ramsay)

Por que pareho silang single ngayon ni Derek Ramsay ay nakipag-inuman at nakipaglandian itong si Ellen Adarna kay Derek. Alam kasi ni Ellen na kapag kumalat sa social media ang video na kuha nila ni Derek ay siguradong pag-uusapan sila.

At nagtagumpay nga si Ellen dahil sila ang topic ngayon ng mga vlogger. Ang sexy actress, ang totoong ipinalit ni Derek kay Andrea Torres at hindi si Pops Fernandez.

Pero ang totoo, kaya ito ginawa ng bisayang sexy star ay dahil may bago siyang project sa TV5 na sitcom na pagtatambalan nila ni John Estrada, kilalang kaibigan at kasosyo ni Derek sa TV production.

Kahit pa sabihing kasama rin sa party si Ruffa Gutierrez na hindi alam kung kaibigan ba o kasama sa sitcom ni Ellen ay the mere na nakipag­harutan siya kay  Derek ay may malisya sa iba pero ang totoo ay gumigimik lang para pag-usapan nga at maging maganda ang comeback.

John and Ellen ang titulo ng sitcom ng sexy actress at ng aktor na inspired sa longest sitcom noon ni Tito Dolphy na John En Marsha.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top