Tuesday , March 2 2021
Breaking News
You are here: Home / News / 200k Pinoys turok-bakunakada araw — Palasyo

200k Pinoys turok-bakunakada araw — Palasyo

ni ROSE NOVENARIO

TARGET ng gobyernong mabaku­nahan laban sa CoVid-19 ang may 200,000 Pinoy kada araw.

Upang maisaka­tuparan ito’y suma­sailalim sa training ang 25,000 vaccinators, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez.

Inihahanda aniya ng local government units (LGUs) sa Metro Manila ang listahan ng mga indibidwal na maba­bakunahan.

Nais aniya ng gobyer­no na makabili ng 148 milyon doses ng CoVid-19 vaccine ngayong taon.

Nauna rito’y inihayag ni Galvez na aabot sa dalawa hanggang tatlong taon bago mabakunahan ang target na 60% hanggang 70% ng populasyon ng bansa.

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top