Saturday , February 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Tarot cards: Five of Wands card
Tarot cards: Five of Wands card

Tarot cards: Five of Wands card

HINDI magandang mensahe ang ipinapahiwatig ng Five of Wands card. Kagulohan at problema ang iyong kakaharapin. Kaya mawawalan ka ng pokus at pagkalito. Mga pagtatalo, paglalabanan, kompetisyon, matigas ang ulo, nauubusan ng lakas at ang pagtatago sa katotohanan.

Tulad ng mga paglitaw ng mga pagtatalo, ang pagkainis na hahadlang sa iyo.

Hindi mo naman maaayos ang mga bagay nang ganoon kadali lalo lang itong lalala dahil sa iyong reaksiyon.

Para manumbalik ang iyong lakas dapat mag-antay ka kung kalian dapat kumilos.

Pinapaalala rin ng card na ito kung saan ka nagkulang, kung ang iyong lakas ay nagagamit lang sa wala, kung hinayaan mo rin ang maliliit na abala na makaapekto sa iyo nang malaki. At masya­do rin nakatuon sa kompetisyon.

Nagbibigay din ito ng paalala na maging kalmado at pokus ang iyong kaisipan upang hindi lumala ang mga problema. Maging mapagpasensiya at ibalik ang iyong pokus at ayusin ang iyong mga bisyon, darating din ang panahong maaayos mo ito.

Sabagay, tama naman ang sinasabi sa Five of Wands na magulo man sa ngayon ang mga pangyayari, maging kalmado at pokus pa rin tayo. Dahil in time, maaayos din ito.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top