Tuesday , March 2 2021
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Navotas namahagi ng smart phones sa 3,000+ estudyante
Navotas namahagi ng smart phones sa 3,000+ estudyante

Navotas namahagi ng smart phones sa 3,000+ estudyante

NAMAHAGI ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng smart phones sa 3,057 estudyante ng public elementary at high schools para sa school year 2020-2021.

Ang mga bene­pisaryo ay kabilang sa mga idineklara noong enrolment na walang sariling gadget na kanilang magagamit para sa online classes.

“We set aside P4.5 million from our Special Education Fund and realigned P9.8 million of our budget for the programs of the Navotas City Council for the Protection of Children.This enabled us to purchase 2,682 smart phones for our students,” ani Mayor Toby Tiangco.

Samantala, nagbigay si Cong. John Rey Tiangco ng 350 cellphones para sa Tutor Learning Child (TLC) at Support Our Students (SOS) programs.

Ang TLC ay pinag­samang proyekto ni Cong. Tiangco at Department of Education-Navotas na inilaan upang tulungan ang mga nag-aaral ng K-12 na walang nagtuturo para gabayan sila sa modular lessons o walang gadget para sa mga nag-aaral sa kanilang bahay nila.

Habang ang SOS naman ay donation drive na suporta sa panga­ngailangan ng K-12 students, kabilang ang smart phones, tablets, internet load, school supplies, at iba pa.

Bukod sa smart phones mula sa pama­halaang lungsod at kay Cong. Tiangco, tumang­gap din ang DepEd-Navotas ng 25 units na donasyon mula sa isang private organization.

“Navotas has a meager budget compared with other cities in Metro Manila, but we do what we can to provide for the needs of our students and support their schooling,” ani Mayor Tiangco.

Nauna rito, nagta­tag si Mayor Tiangco ng online games sa kan­yang social media fanpage para mabigyan ang mga estudyanteng Navoteño ng opportunity na manalo ng gadgets. Ymabot sa 81 estudyante mula sa elementary hanggang college ang nakatang­gap ng smart phones para sa kanilang online classes.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top