Tuesday , March 2 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mag-asawang negosyante, tuloy ang pagtulong sa mga OPM artist
Mag-asawang negosyante, tuloy ang pagtulong sa mga OPM artist

Mag-asawang negosyante, tuloy ang pagtulong sa mga OPM artist

MALAPIT sa puso ng mag-asawang negosyanteng sina Pete at Cecille Bravo ang showbiz kaya naman aktibo ito sa pagsuporta sa mga konsiyerto ng ilang OPM singers tulad ni Ima Castro, gayundin ni Daryl Ong na close sa kanilang pamilya.

Bukod kina Ima at Daryl, malapit din sa puso ng mag-asawa sina John NiteBarangay LSFM DJ Janna Chu Chu, host/comedian Shalala, at ang aktres/host na si Kitkat.

Bukod sa suporta sa OPM singers, tuloy-tuloy din ang pagbibigay nila ng ayuda sa ilang barangay.

Masaya kasi ang mag-asawa sa ginagawang pagtulong dahil naging fruitful at matagumpay ang kanilang negosyo, ang Intele Builders Devt. & Corp.. Na kahit nga maraming negosyo ang nagsara dahil sa pandemya, tuloy-tuloy ang sa kanila.

Likas sa mag-asawa ang pagtulong kasama ang kanilang mga anak na sina Jeru, Miguel, Mattew, at Maricris na aktibo sa pagtulong sa mga frontliner.

At ngayong 2021, bibigyang parangal si Ms Cecille bilang Outstanding Businesswoman ng Philippine Faces of Success 2021, dahil na rin sa success ng kanilang negosyong Intele Builders Devt. & Corp..

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top