Tuesday , March 2 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris-Bistek, click ‘pag nagsama sa show; rapport umaapaw
Kris-Bistek, click ‘pag nagsama sa show; rapport umaapaw

Kris-Bistek, click ‘pag nagsama sa show; rapport umaapaw

TINESTING kung may magandang chemistry sina Kris Aquino at dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista sa He Said, She Said na kinunan sa Cornerstone office kamakailan.

Ito ang sabi sa amin ng taga-CS, ”Hindi po ‘yan show, nagkataon lang na nagpunta sila sa CS (Cornerstone office), then sinubukan namin the chemistry.”

Ipinost din ni Kris ang nasabing He said, She said interview nila ni Bistek na may caption na, ”7 years after. Presented by Cornerstone Entertainment Inc. Happy Sunday… Happy #friendzone.”

Sa edad nina Bistek at Tetay ngayon ay nakatutuwa ang mga sagot nila sa mala-Slumbook questions na ibinato sa kanila ng CS staff.

What is Love for you?

“I didn’t believe my mom before but now I do.  She always said that for you to be loved it has to be bring out the best in you. Love should make you want to be a better person and you should want that person to shine,” sagot ni Kris.

Sinang-ayunan naman ito ni Herbert, ”Tama siya, ha, haha (sabay tingin kay Kris na naghihintay din ng sagot). Love is sacrifice.”

Sangga ni Kris, ”It shouldn’t feel like sacrifice.”

“Parang ganoon, you have to give most of yourself to the person you love,” katwiran ni HB.

“But because nga dahil love mo, it doesn’t feel like sacrificing anything,” giit ni Kris.

“Parang walang effort na ibinibigay mo,” saad ni HB.

“Parang it just flows,” sabi ulit ni KA.

”Parang natural lang, ito natural lang (ganito),” say ni HB habang umiinom ng kape.

Mabilis na sagot ni Kris, ”I didn’t hear that (sabay lingon kay HB na naka-make face). 

Do you believe in SECOND CHANCES?

Ang bilis na sagot ni Kris, ”No!”

Tumawang komento ni HB, ”Wala pa ngang first chance, second chance na kaagad?”

Dagdag ni Kris, ”Kung hindi ninyo na-work sa first time around, there was a reason.”

“Hindi rin,” sambit ni HB.

Pero nabara siya ni KA, ”You have to be married, I’ve been married.”  Sabay paliwanag, ”So, sabihin ko lang na ilang times kong tinry? You know when it’s broken and I said this also, once is broken, the people trying to pick up those broken pieces and up na pareho silang sugatan. So, ‘pag basag na talaga let it go.”

“Kapag idinugtong mo ‘yung unang question sa love at saka sa second chances parang wala kayong pure love?” balik-tanong ni HB kay Kris.

“I don’t think it is love,” katwiran ni KA.

“Then why marry when it is not love?” tanong ulit ni HB kay KA.

“Because I wanted to….” paliwanag ni Kris pero kaagad siyang sinabihan ni HB na nakatawa, ”because you wanted?”

“I wanted to be marry lang,” tanging nasabi ni Kris.

Naloka si Herbert sa sagot ni Kris at muntik niyang mabuga ang kapeng iniinom.

Katwiran ni Kris, ”bakit, anong masama roon? Mali, eh, ‘di ngayon natuto na. No offense sa mga taong natatamaan, pasensiya na po (sabay lingon kay Bistek).”

Sagot ni HB, ”Exactly kaya may correlation sa first question sa second question. Kasi ang love (sabay muwestra pataas) magkakaiba ang degree ng love, may love ng 18, love ng 29, love ng 35, love ng 50, ‘di ba?”

“Sabi mo sacrifice, but it shouldn’t feel like a sacrifice. But there were portions that I really felt I was sacrifice same,” pag-amin ni KA.

Roon sa marriage mo?” tanong ni HB kay Kris.

“And also sa ‘yo!” seryosong sagot ni Kris na nakatingin kay HB na natawa ulit.

What is your idea of a PERFECT DATE?

“Dates? Hindi nga ako nakikipag-date, eh. Ako kasi mahilig sa group dates. Hindi ‘yung date-date na dalawa lang kayo,” sagot ni HB.

Ayon kay Kris, ”Because I’m not allowed to be seen, so ang hirap niyon ‘di ba? So just it remains private, so the easiest thing to do is mag-drive thru. I had this mistaken notion na naka-shades na ako at hindi na ako mapapasin sa drive thru (sabay tawa), so nag-drive thru tapos naghe-hello sa akin, sabi ko ‘hi.’ It’s stupid I know.

”I like long drives na kayong dalawa lang nag-uusap kayo. People who gotten to know me and gotten to know me in a more intimate level know na hindi talaga puwede to go anywhere without someone mentioning it to someone and mention it to someone else and it becomes suck an issue already.”

Tanong ni HB, ”kaya nga most of the time kapag nasa abroad kayo anonymity ang hinahanap mo, o hindi rin? Hindi ka rin anonymous sa abroad, eh?”

Yeah, ‘di ba naglalakad tayo inutusan kang piktyuran ako? (natawa si HB) Anong klaseng abroad ‘yun?” malakas na tawa ni Kris.

Sinang-ayunan ni HB ang kuwento ni Kris, ”actually, totoo ‘yan! Naglalakad kami tapos may nagsabi, ‘kunan mo nga kami?’”

Kinorek ni Kris, ”nirespeto ka naman, sabi ‘mayor kunan mo nga kami kasi idol namin siya?”

What did your past relationship TEACH you?

“Not to get into relationships again,” kaswal na sagot ni Kris.

“Paano ulit, ano ‘yung tanong mo? Parang wala akong natutuhan,” natawang sagot ni HB.

Malumanay na sabi ni Kris kay Bistek, ”i-correct kita roon ah, (pumayag naman si HB) masasaktan ang mga ex mo sa sinabi mong ‘yan, so dapat be careful what you say.”

Diin ulit ni HB, ”parang wala akong natutuhan.”

“Mag-ingat ka sa sagot. Ako inaamin ko that the career path I chose is very selfish. I understand now kung bakit they all ended up hating me,” pag-amin ni Kris. Biglang sumeryoso si HB, ”ako natutuhan ko maging patient, maging quiet, magsasalita lang ‘pag kailangan para walang away.”

Hmm, para kay Kris ba ang sinabing ito ni Bistek?

“Nag take 2,” nakangiting komento ni Kris.

Would you rather be known for your INTELLIGENCE or LOOKS?

“My looks, ha, hahahaha, sorry. It’s already a given, I think. Kasi ‘yung totoo ha. I’m working on a beautiful medium, so I’m not a college professor, I’m not a teacher, I’m not aiming to have a Phd, so I need this (sabay turo sa face). I need this (turo ulit sa face) for us to continue earning. At least inaamin ko na kailangan maging vain sa larangan ng pinasok ko,” paliwanag ni Kris.

Say naman ni HB, ”tingin ko ‘yung intelligence kasi wala naman akong looks, eh.

”Hindi kasi sa relationship kasi ang mas attractive na nagkakaroon ng total attraction ang mga tao, it starts with physical (muwestra habang nakatingin sa kanya si Kris) sabay emotional ‘yun. Pero kapag medyo may edad na kayo utak na pinagagana nila between 35 to 40 to 50. So kung there’s nothing to talk about, wala na kayong pinag-usapan.”

How important is SUCCESS in your life?

“Para sa akin ang measurement ng success kung paano mo napalaki ang mga anak mo. We cannot measure success with whatever we have kung anuman ‘yung dinaanan natin sa buhay. Para sa akin kung napagtapos mo ang anak mo, maganda ‘yung kanyang buhay, a good citizen, ah successful na ako niyon. That’s for me the measurement of success.”

“’Di ba sinabi ko sa ‘yo na double-edged sword na sabi ko I think you would love me more if I’m less successful,” sabi ni Kris kay Bistek na natawa naman ang huli.

Hirit ni Bistek, ”kahit na successful ka love kita, ha, haha,” Ang tigas ng iling ni Kris, ”hindi! Ha, ha, ha nasabi ko ‘yan sa ‘yo talaga!”

At dito na nagtapos ang ‘he said, she said’ segment ng dalawa.

Maganda ang rapport nina Kris at Herbert sana gawing online show ito dahil tiyak na maraming manonood.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top