Thursday , November 13 2025

CAMANAVA mayors, AstraZeneca nagkasundo sa CoVid-19 vaccine

TINIYAK ng apat na alkalde ng CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela) sa kani-kanilang nasasakupan na magkakaroon ng bakuna para sa CoVid-19 na magagamit sa kanila simula sa ikalawang quarter ng taon.

Ito’y matapos sabihin nina mayors Oscar Malapitan ng Caloocan, Antolin Oreta III ng Malabon, Toby Tiangco ng Navotas, at Rex Gatchalian ng Valenzuela, na gumawa na sila ng kasunduan sa British-Sweden multinational pharmaceutical company, AstraZeneca para sa pagbili ng bakuna laban sa CoVid-19.

Ayon kay Malapitan, hindi bababa sa 600,000 doses ang bibilhin ng pamahalaang lungsod sa AstraZeneca bilang bahagi ng CoVid-19 vaccination program ng lungsod.

“Tuloy-tuloy ang ating paghahanda para sa pagbili ng bakuna kontra CoVid-19. Nakikipag-ugnayan tayo sa mga pharmaceutical company upang matiyak na makakukuha tayo ng bakuna kapag ito ay aprobado na ng Inter-Agency Task Force at Food and Drug Administration,” ani Mayor Oca.

Sinabi ni Oreta, ang Malabon ay naglaan din ng paunang halaga na P150 milyon sapagkat ito rin ang tiniyak ng parehong pharmaceutical company para sa bakuna sa CoVid-19.

Sa Navotas, sinabi ni Tiangco na sumang-ayon ang AstraZeneca na ibigay sa lungsod ang paunang 100,000 doses na maaaring mapakinabangan ng 50,000 residente dahil dalawang doses ang kinakailangan para sa bawat indibidwal.

Aniya, inaprobahan ng city council ang paglabas ng P20 milyon para sa layuning ito.

“Good news! Valenzuela City signs a deal with AstraZeneca Pharmaceuticals Philippines for the advance purchase of 640,000 AstraZeneca vaccine doses,” pahayag ni Mayor Gatchalian sa kanyang FB page.

Ani Gatchalian, inihahanda na nila ngayon ang vaccine roll out plan ng lungsod upang maging maayos ang distribusyon ng bakuna kapag nagsimula na itong dumating.

Nasa 320,000 indibidwal ang mababakunahan, na 70 porsiyento ng target na populasyon ng lungsod (hindi kasama ang 18 anyos pababa.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

NUSTAR Online Whisky Live Manila event

NUSTAR Online nakibahagi sa Whisky Live Manila event 

DALAWANG araw ipinagdiriwang ang mga kaganapan sa Whisky Live Manila noong Oktubre 10-11, 2025, sa Shangri-La The …

PNP Nartatez

Nartatez tumutok sa mga operasyon paglipas ng bagyo

MABILIS na tinutukan ni Acting Chief PNP Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang …

SM DICT Feat

SM Supermalls and DICT launched Digital Corners in SM Job Fairs
Empowering job seekers and SHS learners through digital upskilling

Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda and SM Supermalls VP for …

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …