Saturday , February 27 2021
Breaking News
You are here: Home / News / 16-anyos estudyante minolestya sa inuman, 3 suspek timbog sa Nueva Ecija
16-anyos estudyante minolestya sa inuman, 3 suspek timbog sa Nueva Ecija

16-anyos estudyante minolestya sa inuman, 3 suspek timbog sa Nueva Ecija

ARESTADO ang tatlong lalaking may edad 19 hanggang 24 anyos matapos gahasain ang isang 16-anyos na estudyante sa bayan ng Licab, lalawigan ng Nueva Ecija noong Biyernes, 9 Enero.

Ayon kay P/Col. Marvin Joe Saro, direktor ng Nueva Ecija provincial police office, nadakip ang mga suspek, kabilang ang kasintahan ng biktima, ilang oras matapos ang krimen.

Ayon sa mga imbestigador, sinamantala ng mga suspek ang kalasingan ng biktima at halinhinang ginahasa.

Agad nagsumbong ang biktima sa pulisya na mabilisang nagresponde para masukol ang tatlong suspek.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 8353 in relation to RA 7610 o The Child Abuse Law ang tatlong suspek na pawang mga residente sa Brgy. San Cristobal, sa nabanggit na bayan.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top