Saturday , February 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dingdong, unang pasabog ng Beautederm ngayong 2021
Dingdong, unang pasabog ng Beautederm ngayong 2021

Dingdong, unang pasabog ng Beautederm ngayong 2021

KAPWA masuwerte sina Dingdong Dantes at ang Beautederm. Lucky si Dong dahil sa edad 40, marami pa rin ang mga kompanya/produktong nagtitiwala sa kanya para maging endorser. Sa Beautederm naman, dahil nasa A-list endorsers ang actor.

Kahanga-hanga ang Beautéderm Corporation sa kanilang pag-level-up at sa pagpapalaganap ng good vibes ngayong 2021 dahil agad nilang sinalubong ang taon sa pagpapakilala sa bago nilang ambassador, si  Dingdong nga na brand ambassador ng Beautéderm Cristaux Supreme.

Ang Cristaux Supreme ay isang FDA-Notified product na dinadagdagan ang collagen synthesis na bumabanat at nagmo-moisturize ng balat; nagpapaputi ng balat; nagbabawas ng skin puffiness; nag-aalis ng eyebags; nagbibigay ng glass skin; at nagde-defy ng pagtanda. Mainam ito sa mga edad 18 at pataas at ligtas para sa mga lactating mothers dahil ito ay meticulously formulated at sinadya at maingat na ginawa para maging ligtas sa lahat ng skin types at pinakamainam itong gamitin dala­wang  beses sa isang araw at maaaring gamitin bilang primer sa make-up.

“Kailangan din naming mga lalaki na alagaan ang aming balat. Beautéderm Cristaux Supreme is an essential part of my daily skin regimen at bilang isang aktor, araw-araw ko itong ginagamit to maintain the youthfulness of my skin. Cristaux Supreme is really age defying,” ani Dong na ang halos apat na dekada na ang career at most celebrated at most respected na aktor sa industriya.

Ipinaliwanag naman ni Beautéderm President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan ang magandang epekto ng Cristaux Supreme. ”Dalawang taon na worth of wrinkles ang binubura ng Cristaux Supreme in just two months of regular use. Very hard-working si Dingdong at ang mahahabang oras na ginugugol niya sa set ng kanyang trabaho sa pelikula at TV will really give his face unwanted lines and wrinkles, at ang Cristaux Supreme ang pinaka-ideal na serum para sa kanyang lifestyle.”

“I’m very much aware of the long-term effects of my work to my skin lalo na ngayong 40 na ako. I encourage every man to use an effective skin regimen like Beautéderm’s Cristaux Supreme as it will surely keep us looking fresh and youthful,” sambit pa ni Dingdong.

Espesyal ang 2021 sa Beautéderm dahil 12th anniversary na ng kompanya at paglulunsad kay Dingdong ay una pa lamang sa maraming sorporesang inihanda ni Rhea para sa bagong taon. ”Maligaya ako ngayong bahagi na si Dingdong ng aming Beautederm family. Nandito na ang araw that we can proudly say that Dingdong Dantes is officially a Beautéderm Cristaux Supreme brand ambassador,” giit ng very ecstatic na si Rhea.

Maligaya si Dingdong na bahagi na rin siya ng Beutederm na ang asawang si Marian Rivera-Dantes ay mukha ng Beautéderm Home na nagbibigay naman ng exquisite line of soy candles as well as room and linen sprays. ”Nakikita at nararamdaman ko na kung bakit ang saya-saya ni Marian. Beautéderm really is a happy and fun family. Maliban sa aking asawa, a lot of my friends are part of the brand as ambassadors. Excited ako sa lahat ng mga promotional activities na gagawin namin ngayong 2021. I am so grateful and honored that Rhea got me to be a part of Beautéderm Cristaux Supreme and this for sure, will be an unforgettable partnership.”

Para sa mga karagdagang impormasyon ukol sa Beautéderm Cristaux Supreme at exciting updates kay Dingdong Dantes at sa Beautéderm, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top