Thursday , February 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bea Alonzo hinulaang magiging bilyonarya (Posible raw magkaroon ng papang DOM)
Bea Alonzo hinulaang  magiging bilyonarya (Posible raw magkaroon ng papang DOM)

Bea Alonzo hinulaang magiging bilyonarya (Posible raw magkaroon ng papang DOM)

THIS year, sa kanyang latest vlog with her BFF Kakai Bautista, inimbita ni Bea Alonzo ang kaibigang tarot card reader na si Niki Vicara. At nakatutuwa ‘yung mga barahang napili ni Bea na nag-uugnay sa kanyang showbiz career at comeback movie na magiging blockbuster ayon kay Niki.

Ito ‘yung pelikula na pagtatambalan siguro nila ni John Lloyd Cruz. Tawa nang tawa naman si Bea lalo nang lumabas sa baraha na magkakaroon ng relasyon si Bea sa matured man at puwede raw ikasal ang actress rito 7 months o 7 years mula ngayon.

Pero ang higit na nagpasaya kay Bea ay nang sabihin sa kanya ni Niki na magiging bilyonarya siya in the future. Well, magkaroon man ng DOM o wala si Bea ay sure na magiging bilyonarya siya sa rami ng ipon niya at maiipon sa mga naka-line up na malalaking proyekto sa pamamahala ng bagong manager na si Madam Shirley Kuan.

Saka bulong sa amin ng aming informant, tuloy pa rin daw ang relasyon ng actress at hunk actor na si Dominic Roque.

‘Yun na!

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top