Wednesday , April 24 2024

Usyk tatabi muna para sa bakbakang Fury-Joshua

UMAASA  si Anthony Joshua na tatabi muna  si Oleksandr Usyk at kalili­mutan ang ‘step-aside deal’ para mangyari ang bakbakang Joshua-Tyson Fury fight. Paniwala niya, si Usyk ay isang ma-katuwirang tao.

Si Usyk, ang dating undisputed world cruiser-weight champion, ang WBO’s mandatory challenger.

Una nang sinabi ni Paco Valcarcel, ang WBO’s president na dapat harapin ni Joshua si Usyk pag­ka­raang sagasaan nito si Kubrat Pulev, ang IBF’s mandatory na ginanap sa Wembley noong naka-raang buwan.

Sa unang pahayag ni  Usyk ay hindi  siya interesado sa isang  ‘step-aside deal.’

Ang huling WBO mandatory defence sa heavyweight  ay  noon pang Setyembre  2017, nang talunin ni Joseph Parker si Hughie Fury sa Manchester.

Ganoon pa man uma-asa  si Joshua na magiging bukas si Usyk sa isang usapan, na magbibigay-daan para sa Joshua-Fury fight para sa WBC, WBO, WBA, IBO at IBF titles.

“I think Usyk will be keen to step aside and let the fight happen,” paha­yag ni Joshua.

“We’ve reached out to his management team. He’s a reasonable person and he’ll understand the magnitude of this situation.

“Look, if I go right I’ve got Tyson Fury, tough fight. If I go left, I’ve got Usyk, another tough fight. Ideally I’ll go right but ultimately all I want to do is focus on the fight.

“It’s a challenge for me. I respect Fury, he’s done great things. But I want to challenge myself. If that’s with Tyson Fury for the WBC title I promise you I will go that route. I will take that opportunity with both hands and both feet.”

Ang isa sa magiging problema ni Usyk kung papayag siya sa step aside ay nangangahulugan na papayag din siya sa two-fight deal, na mawawala ang tsansa niyang mapala­ban sa winner ng laban para sa apat na belts sa 2021.

Sa huling bahagi ng May, ang target date ng unang bakbakan ng all-British clash sa pagitan nina  Joshua-Fury na posibleng ganapin sa London.

Kung ang rematch ng dalawa ay mangyayari sa Nobyembre o Disyembre, nangangahulugan na maghihintay ng matagal si Usyk hanggang 2022, pero dito naman eeksena sina Deontay Wilder at interim champion Alexander Povetkin na posibleng magpagulo ng kasahan ng laban.

About hataw tabloid

Check Also

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *