Saturday , April 20 2024

Porn may negatibong epekto sa sex drive ng kalalakihan

MAS malaki ang posibilidad ng erectile dysfunction (ED) sa kalalakihan sanhi ng labis na panonood ng pornograpiya — kahit pa bata at malusog ang mahihilig manood nito, ayon sa bagong pag-aaral.

Binatay ang mga resulta sa pag-aaral, na iniharap kamakailan lang sa virtual congress ng European Association of Urology, sa sinuring 3,267 kalalakihan sa Belgium, Denmark, at United Kingdom, na kinompleto ang online questionnaire ukol sa kanilang masturbation habits, kung gaano kadalas sila manood ng porn at ang kanilang mga karanasan sa pakikipagtalik.

Napagalaman na ang mga lalaking sinuri na nag-ulat ng mahigit 70 minuto o labis na panonood ng porn kada linggo ay nagkaroon ng “less satisfying partnered sex” at mas may posibilidad na makaranas ng erectile dysfunction o pagbaba ng kanilang libido.

Sinabi ng mga researcher na inasahan nilang mag­karoon ng ugnayan dito subalit nagu­lat sila kung gaano karami sa mga kaba­taang lalaki ang mayroong erectile dysfunction at napagalaman din na mahihilig silang manood ng porn.

Ang erectile dysfunction, o kawalan ng abilidad para mapanatili ang ereksiyon habang nakikipagtalik, ay sinasabing nakaaapekto sa aabot 30 milyong kalalakihan sa buong mundo.

Ang stress ay maaaring maging sanhi din ng ED, o isa pang underlying illness, ngunit ang edad ang pinakapangkaraniwang risk factor nito.

Ayon sa School of Medicine ng University of Wisconsin, nakaaapekto ang mild hanggang moderate erectile dysfunction sa 60 porsiyento ng mga lalaki na nasa edad 60 pataas, bilang na tumataas habang nagkakaedad ang isang lalaki at nakapagde-develop siya ng ilang mga health issue na nakaaapekto sa sirkulasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *