Thursday , October 9 2025
dead gun police

Tanod patay sa riding-in-tandem (Health protocols mahigpit na ipinatupad)

PATAY ang isang barangay tanod nang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang mahigpit na nagpapatupad ng safety health protocols sa Brgy. Del Carmen, sa bayan ng Floridablanca, lalawigan ng Pampanga.

Sa viral video, makikitang nagmamando ng quarantine checkpoint ang biktimang kinilalang si Joseph Labonera sa nasabing lugar at isa pang kasamang tanod dala ang isang megaphone upang paalalahanan ang mga nagdaraan na palaging sumunod sa safety health protocol.

Habang nag-iisa at walang kaantabay na pulis, biglang huminto sa harapan ng biktima ang mga suspek na magkaangkas sa puting Honda TMX 125 saka siya pinagbabaril nang apat na beses sa ulo at isa sa tiyan na nagresulta ng kanyang agarang pagkamatay.

Mabilis na tumakas ang mga suspek patungong bayan ng Porac sa nasabing lalawigan.

Patuloy ang isina­sa­gawang hot pursuit operation ng mga kagawad ng Provincial Police Office sa pamumuno ni P/Col. Thomas Ibay upang malambat ang mga suspek sa lalong madaling panahon.

Samantala, magbibigay ng halagang P300,000 pabuya si Pampanga governor Dennis Pineda sa makapagbibigay ng mga mahalagang impormasyon para sa agarang ikadarakip ng mga suspek upang mapanagot sa krimen.

(RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Joey Salceda

Salceda sa Bangkok Climate Talks delegates: Nahigitan pa ng  Pilipinas ang pangako nitong lumipat sa “Renewable Energy”      

IPINAGKAPURING ipinahayag ni dating Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda sa mga delegado sa ‘High …

PSC Elite Link

PSC at Elite Link, inilunsad ang Digital Platform para Suportahan ang mga Atletang Pilipino, Simula sa Batang Pinoy

INILUNSAD ng Philippine Sports Commission (PSC), katuwang ang Elite Link, Inc., ang Elite Link—isang makabagong …

SM Super Spelling Bee 2025

SM Super Spelling Bee 2025: Young Word Wizards Shine at the Grand Finals

AFTER months of grueling eliminations held across the country, the nation’s most talented young spellers …

Dapat may managot sa palpak na P47-M flood control project sa Laoag - Gabu residents

Dapat may managot sa palpak na P47-M flood control project sa Laoag – Gabu residents

LAOAG CITY- Nagdulot ng matinding pagkadesmaya at tanong sa publiko ang biglaang pagguho ng bagong …

bagyo

Meralco nakatutok sa epekto ng bagyong Paolo

NAKAANTABAY at handa ang pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na magresponde kapag nagkaaberya sa …