Saturday , February 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / P1-B sa libreng bakuna inilarga ng Makati City
P1-B sa libreng bakuna inilarga ng Makati City

P1-B sa libreng bakuna inilarga ng Makati City

UPANG masigurong mababakunahan nang libre ang lahat ng mga residente sa siyudad ng Makati, inilaan ang P1-bilyong budget para sa pagbili ng CoVid-19 vaccines ng Makati City government .

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, nakikipag-ugnayan ang Makati City Officials kay vaccine czar Carlito Galvez, Jr., at sa CoVid-19 Inter-Agency Task Force (IATF) para isapinal na ang detalye sa pagbili ng bakuna at sa isasagawang mass vaccination.

“This is our number one priority for 2021. I want each and every Makatizen to receive both doses of the coronavirus vaccine for free to protect them and their families against the virus,” ani Mayor Abby.

“We’ve seen the damage it can do both to human lives and our economy. After everything we’ve lost this year, we will do whatever it takes to protect our residents, employees, and our business community,” dugtong ng alkalde.

Hihilingin ni Mayor Abby sa City Council na magpasa ng isang supplemental budget  sa sandaling makuha na sa IATF ang “go signal.”

“We will exhaust all means to get the much-needed vaccines early and have all Makatizens vaccinated. The city will also assist companies and businesses that would like to buy vaccines for their employees and workers. We are aiming for 100 percent vaccination in Makati,” anang opisyal.

Dagdag niya, ang mga paghahanda para sa pagpaparehistro sa online ay isinasagawa upang matiyak ang ligtas at maginhawang access ng Makatizen sa libreng pagbabakuna laban sa CoVid-19. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top