Saturday , February 27 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Koreano ‘nakabigti’ sa BI warden facility

Koreano ‘nakabigti’ sa BI warden facility

NATAGPUANG nakabigti ang isang Korean national sa kanyang selda sa Bureau of Immigration (BI) Warden Facility sa Camp Bagong Diwa,  Taguig City, kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang nakabigting Koreano na si Son Byeongkweon, 51 anyos.

Base sa inisyal na ulat ng Taguig City Police,  natagpuang nakabigti ang biktima sa bintana dakong 6:50 am, kahapon, 4 Enero, gamit ang nylon strap na nakapulupot sa leeg.

Habang umiikot para sa roving inspection ang guard on duty na si Darry Alyas sa mga selda ng BI facility ay nadaanan nito ang nakabiting katawan kaya agad itinawag sa Taguig City Police Station.

Dali-dali umanong nagresponde ang pulisya na masusing nagsasa­gawa ng imbestigasyon hinggil sa insidente.

ni JAJA GARCIA

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top