Thursday , May 13 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nadine Lustre, takot daw malaos: (bakit, hindi pa ba?)
Nadine Lustre, takot daw malaos: (bakit, hindi pa ba?)

Nadine Lustre, takot daw malaos: (bakit, hindi pa ba?)

TAKOT pala si Nadine Lustre na masabing siya ay laos na. Pero may nagtatanong nga, ”hindi pa ba?”

Noong isa pang taon, ang dalawang huling pelikula niya ay parehong flop sa takilya. Pagkatapos naman niyon ay tinanggihan niya ang role sa isang pelikulang dapat ay kasama niya si Aga Muhlach, na siyang naging top grosser sa festival noong nakaraang taon, at nakabura sana sa record na flop ang huli niyang pelikula. Tapos wala na siyang pelikula dahil may pandemic nga at nagsimula na ang problema niya sa Viva.

Ngayon naungkat na naman ng kaso ng Viva, at nakahanda raw patunayan ng legal team ni Nadine na wala sa ayos ang kanyang kontrata na hindi pa man tapos, pumirma na naman siya ng extention. Habang pinagla­labanan iyan sa korte, walang kukuha kay Nadine dahil baka ma-TRO lang sila. Walang kikitain si Nadine, bukod pa nga dahil sa wala siyang project, sa ayaw at sa gusto niya darating ang kinatatakutan niya. Laos na siya.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top