Friday , February 26 2021
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Mag-cleansing diet gamit ang carrot patatas, at camote (Upang mapabilis ang paggaling ng may sakit)
Mag-cleansing diet gamit ang carrot patatas, at camote (Upang mapabilis ang paggaling ng may sakit)

Mag-cleansing diet gamit ang carrot patatas, at camote (Upang mapabilis ang paggaling ng may sakit)

MALAKING bahagi ng wastong paggagamot ang diet, o ang pagkain ng wastong uri ng pagkain sa tamang sukat. Bukod sa pag-iwas sa mga pagkain o inumin na maaaring makapagpalala sa kalagayan ng isang may sakit, depende kung ano ang karamdaman ninyo, makabubuti sa inyo kung kayo ay sasailalim sa isang cleansing diet.

Ang cleansing diet ay makatutulong sa pag-aalis sa inyong katawan ng toxic substances o mga dumi na maaaring makahadlang sa inyong paggaling at makapagpatagal pa sa inyong karamdaman.

Sa natural healing method, subok na ang bisa ng cleansing diet na kung tawagin ay CPC na ang ibig sabihin ay Carrot, Patatas at Camote. Ang bawat isa sa mga ito ay may kaukulang positibong dulot sa maysakit: ang carrot ay napatunayan nang nagtataglay ng anti-cancer properties, ang patatas ang nagsisilbing pagkain o laman-tiyan ng pasyente sapagkat ang sustansiyang dulot nito ay carbohydrate, at ang camote naman ang siyang nagsisilbing fiber content na siyang ‘pangwalis’ sa laman ng bituka at tiyan.

Upang lalong maging mabisa ang CPC bilang isang cleansing diet, tiyaking sa paghahanda nito ay magkakasindami ang sukat ng Carrot, Patatas at Camote (equal parts). Walang isa sa tatlong ito ang dapat ay mas marami ang sukat sa iba. Halimbawa, kapag nasobrahan ninyo ang pagkain ng carrot, kayo ay maaaring manilaw at magkaroon ng tinatawag na ‘jaundice.’

 

PREPARASYON

*Pumili ng sariwa at malulutong na mga carrot, gayondin ng sariwang patatas at camote.

*Hugasang mabuti ang mga ito at pagkatapos ay balatan at hiwa-hiwain nang maliliit.

*Pakuluan sa maraming tubig.

*Pagkulo, hanguin ang carrot, patatas, at camote. Huwag itapon ang pinagkuluan. Ilagay ito sa thermos at ito ang iinumin ninyo tuwing kayo ay nauuhaw. Dapat iinumin ninyo ito nang mainit-init o maligamgam

*Lagyan ng isang basong sabaw ng pinaglagaan at i-switch on ang blender/osterizer hanggang ang mixture ay mahalo nang husto.

*Pagkatapos ay alisin na sa blender/osterizer ang mixture,  dapat ay kaagad ninyo itong kainin at dapat mainit-init o  maligamgam n’yo itong kakainin.

*Kapag may natira sa ihahandang CPC, ilagay sa refrigerator  sapagkat ito’y madaling mapanis.

 

PREDIGESTED MEAL

Sa tuwing nagugutom kayo, kumain ng CPC. Huwag nang hintayin pa ang susunod na oras ng pagkain — ang CPC ay predigested meal kung kaya’t hindi makasasama sa inyo ang kumain nito sa tuwing nagugutom, at inumin ang sabaw na pinagpakuluan sa tuwing mauuhaw.

 

GAANO BA KATAGAL DAPAT MAG CPC?

Kung gaano katagal mag-CPC ay depende rin sa klase ng karamdamang nais nating gamutin.

Halimbawa, kung constipation (hirap sa pagdumi) o loose bowel movement (pagtatae) ang problema, isa o dalawang araw lamang na cleansing diet ay maaari na kayong gumaling.

Kung ang ginagamot ninyo ay mga galis at iba pang sakit sa balat, mag-cleansing diet hanggang sa makitang lumilinaw na ang kutis at nawawala na ang mga sugat. Kapag malubha na ang sakit, tulad halimbawa ng cancer, goiter, kidney problem na kailangan na ng dialysis at iba pa, dapat ay mag-cleansing diet hanggang tuluyang malinis ang mga impurities sa katawan at sa dugo.

Ang cleansing diet ay nagbibigay ng nutrients o sustansiya sa cells ng ating katawan, kung kaya’t natutulungan nito ang natural na immune system ng ating katawan, o ang proseso ng paglaban sa sakit tungo sa paggaling at panunumbalik ng kalusugan.

Sa isang may sakit na cancer, ang mga cancer cells sa kanyang katawan ay naghihintay ng marurumi (toxic substances) at malalansang pagkain (tulad ng seafoods), at dahil dito lalong dumarami ang cancer cells nito at naigugupo ang katawan ng maysakit.

Kapag kayo ay nag-cleansing diet, walang makakain na marumi ang inyong cancer cells at hindi mabubuhay ang mga ito. Unti-unting mamamatay ang mga cancer cells at mabibigyang daan naman na muling mabuhay ang mga normal na cells, na ikagagaling ng pasyente.

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

About Fely Guy Ong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top