Thursday , October 9 2025

Lomachenko asar kay Garcia

NAKAPANAYAM ng Snow Queen LA ang dating pound-for-pound king Vasiliy Lumachenko at nagpahayag ito  ng ilang pananaw sa mga kapwa elitistang boksingero sa lightweight division.

Pinuna  ni Lomachenko (14-2, 10 KOs) si Ryan Garcia na ipinakakalat na naging matamlay siya sa naging  sparring nila kung kaya natalo siya kay Teofimo Lopez.   Katunayan ay hindi humarap si Garcia sa footage ng kanilang session dahil sa tinamong pasa sa mukha sanhi ng matitinding patama ng dating kampeon.

At dahil sa  nakita niyang kalidad ni Garcia sa sparring, pinipili niyang mananalo si Luke Campbell na makaka­harap nito sa Linggo, iyon ay kung nasa tamang lakas na si Campbell na matatandaang naging biktima ng Covid-19.

Sa isyu ng kanyang inakyatang timbang, sinabi ni Lomachenko na komportable naman siya sa  super lightweight, kahit pa nga pinayuhan siya ni Bob Arum na bumalik sa 130 pounds pagkatapos matalo kay Lopez.   Dagdag pa ng tinaguriang “Hi-Tech” na target niyang makaharap ang WBA “world” champion Gervonta Davis.   May gusto raw niyang makaharap ang isang southpaws tulad ni Davis.   Pero inamin niya na tipong malabo na makaharap agad niya si “Tank” sa susunod niyang laban.

Kailangan pa niyang paghilumin  ang natamong ‘shoulder injury” sa naging laban niya kay Lopez.   Ayon sa kanya, nakuha niya ang injury nang magbigay siya ng kombinasyon sa 2nd round na siyang nakapuwersa sa kanyang balikat.

Nang tanungin kung saan lumamang si Lopez at kung anoung rounds naman ang kanyang nasungkit sa nasabing laban.   Naniniwala siyang nanalo siya sa rounds 2, 7 hanggang 11.  Posibleng lamang siya sa sixth para tratuhin ang final scoring sa 6-6 draw o 7-5 pabor sa kanyang panalo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda sa Bangkok Climate Talks delegates: Nahigitan pa ng  Pilipinas ang pangako nitong lumipat sa “Renewable Energy”      

IPINAGKAPURING ipinahayag ni dating Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda sa mga delegado sa ‘High …

PSC Elite Link

PSC at Elite Link, inilunsad ang Digital Platform para Suportahan ang mga Atletang Pilipino, Simula sa Batang Pinoy

INILUNSAD ng Philippine Sports Commission (PSC), katuwang ang Elite Link, Inc., ang Elite Link—isang makabagong …

SM Super Spelling Bee 2025

SM Super Spelling Bee 2025: Young Word Wizards Shine at the Grand Finals

AFTER months of grueling eliminations held across the country, the nation’s most talented young spellers …

Dapat may managot sa palpak na P47-M flood control project sa Laoag - Gabu residents

Dapat may managot sa palpak na P47-M flood control project sa Laoag – Gabu residents

LAOAG CITY- Nagdulot ng matinding pagkadesmaya at tanong sa publiko ang biglaang pagguho ng bagong …

bagyo

Meralco nakatutok sa epekto ng bagyong Paolo

NAKAANTABAY at handa ang pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na magresponde kapag nagkaaberya sa …