Tuesday , April 16 2024

Panico KO kay Magomedaliev

SINIGURO ni Raimond Magomedaliev na ang magiging susunod niyang laban ay sa One welterweight world title challenger na.

May pasakalye si Magomedaliev na tubong Russia nang gibain ang  walang talo at baguhang si Edson “Panico” Marques sa kanilang bakbakan sa One: Collision Course II, inirekord ang event mula Singapore at inere noong Biyernes, 25 Disyembre.

Umentra ang Brazilian sa kontes na may perfect 9-0 slate, may kabilib-bilib na anim na sunod-sunod na KO victories, pero sinirang lahat iyon ni Magomedaliev nang patamaan niya ng makabasag-pangang suntok ang kalaban sa inaasahang malaking debut nito sa global stage.

Kailangan ng dalawang minuto ng Russian para tapusin ang trabaho.

Sa simula ng laban ay parehong nagsusukatan ng distansiya ang magkatung­gali, dito nagpakawala ng matinding sipa si Magomedaliev na tumama sa binti ni Marques.

Sinundan pa uli iyon ng isang sipa na muntik nang magpasemplang kay Panico pero siya’y nakabalanse.

Muling nagkapormahan ang dalawa na naghihin­tayan ng kasunod na aksiyon pero dito umentra si referee Yuji Shimada na humihingi ng maraming aksiyon.

Nagpakawala ang Brazilian ng double-jab, na ginantihan din ng ilang jab ng Russian.

Sa pagpapatuloy ng bigayan ng matitinding suntok at sipa ng dalawa, sinimulang idesmaya ni Magomedaliev ang kalaban sa patuloy na pagbibigay niya ng sipa sa magkabilang binti ng kalaban.

Ilang segundo pa ang lumipas, ibinigay ang ‘finishing sequence’ ni Magomedaliev nang atakehin niya ng jab para pumaling sa kanan ang katunggali.

Gumanti ng left hook ang Brazilian pero nailagan iyon ng Russian at dito ibinigay niya ang isang matinding cross na nagpatikop kay Panico sa canvas.

Nang bumagsak si Marques sa canvas, klarong knocked-out siya kung kaya umentra ang referee para itigil ang laban.

Opisyal na nakuha ni Magomedaliev ang panalo sa 1:52 ng opening stanza. Mayroon ngayong 7-1  ang Russian at posibleng ang susunod niyang laban ay pagsabak kay  ONE welterweight world champion Kiamrian “Brazen” Abbasov.

About hataw tabloid

Check Also

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Smart Asian Volleyball Confederation Nuvali

Asia’s beach volleyball squads maglalaban sa Smart AVC Beach Tour Nuvali Open

ELITE action returns sa world-class Nuvali Sand Courts sa City of Santa Rosa at ang …

Buhain Richard Bachmann

Buhain, umayuda sa HB Bills para sa PH Sports

Pinangunahan ni Batangas 1st District Congressman Eric Buhain ang pagtalakay at pagsuri sa mga isinusulong …

Pinoy wreslers Olympics

Pinoy wreslers, kayang umabot sa Olympics

KUMPIYANSA si Wrestling of the Philippines (WAP) president Alvin Aguilar na ang mga repormang ipinatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *