Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / John Prats, ‘pinag-usapan’ ng mga kapwa artista ang ginawang pagdidirehe sa ABS-CBN Christmas Special
John Prats, ‘pinag-usapan’ ng mga kapwa artista ang ginawang pagdidirehe sa ABS-CBN Christmas Special

John Prats, ‘pinag-usapan’ ng mga kapwa artista ang ginawang pagdidirehe sa ABS-CBN Christmas Special

BAGO nagsimula ang special screening ng The Boy Foretold by the Stars ay napag-usapan ang ginanap na Ikaw ang Liwanag at Ligaya: The ABS-CBN Christmas Special nitong Linggo, Disyembre 20 at narinig ito ni MJ Felipe, ang host ng event ng Kapamilya Network. At dito nabanggit ni MJ, “ang galing ni John (Prats) as director, huh.”

Base rin sa mga nabasa namin ay ang daming bumati sa TV host/actor/producer/director sa pagdidirehe nito ng Christmas Special ng ABS-CBN na unang beses niyang ginawa sa buong karera niya bilang direktor.

Kaya naman manghang-mangha rin sa sarili si John dahil hindi niya maisip kung paano ito naitawid at siyempre, alam niya na ginabayan talaga siya ng Diyos kaya naman labis na ipinagpasalamat niya ito.

Ipinost ni John sa kanyang IG account ang mga behind the scene pictures niya habang nasa director’s booth at nagdidirehe, mga larawan ng buong staff and crew, mga boss ng ABS-CBN na sina Direk Laurenti Dyogi at Ms Cory Vidanes.

Ang caption ni John, “Isang panaginip na nagkatotoo. Una sa lahat maraming salamat Lord God, alam ko po na kayo ang naggabay sa akin para magawa ko ang purpose ko.”

Hindi rin nalimutang banggitin ni John ang una niyang naging direktor sa youth oriented show na Berks noong 2002-2004 at itinuring siyang anak na si Gilbert Perez.

Aniya, “Manong Gilbert Perez, I know you guided me from heaven.”

At siyempre ang mga boss niya sa Kapamilya Network, “Thank you sa mga boss ko na naniwala na kaya ko itawid napaka importanteng event na to para sa ating mga kapamilya. Isang karangalan po ito. Ma’am CVV, Sir Mark Lopez, Sir CLK , Sir Deo  @montie08 , @direklauren, Sir @luiandrada , @applesegubience , @gerromeesguerra , Mommy Jo , Ninang @winniem1218 , Ate @olivezarate at sa buong Team ng ASAP na bumuo ng #abscbnchristmasspecial2020 .

“Sa lahat ng Cameramen na naggabay sakin , sa lahat ng Engineering, Ms. Tantan. Sa aking nga Assistant Director, salamat sa inyo. Sa mga choreographers, iba kayo! Sa lahat ng Kapamilya stars, nakaka-miss kayo maka-trabaho, salamat dahil nagtiwala kayo sa akin.”

At dito niya nabanggit si Coco Martin na nasa loob din ng director’s booth na nakangiting nakunan habang nakaturo kay John.

Siyempre, salamat sa aking mga kaibigan na naka-support sa akin, lalo ka na paps Coco!”

Sa pagpapatuloy ni John, “Congratulations sa lahat ng bumuo nito mula sa likod na camera! Kayo ang tunay na mga star ng Christmas special. Grabe ang hardwork nyo! Saludo ako sa inyo.Thank [email protected]_lx sa napagandang ilawan natin! Maraming salamat din sa ating mga kapamilya na kahit na ano pa ang napagdaanan natin, andyan parin kayo.

“Lastly sa pamilya ko, Mom and Dad at sa mga kapatid ko. Salamat din sa asawa ko @isabeloliprats sa moral support, at sa mga anak ko, kayo ang inspirasyon ko at mahal na mahal ko kayo! Saya ng ride na to. Maraming salamat din sa lahat ng mga nag message sa akin bago ako magsimula. Tay @arnelnatividad , thank you for guiding me.Until our next show mga kapamilya!

“To God be the glory! Always!”

Ang nasabing special ay benefit show para sa mga biktima ng malalakas na bagyong nagdaan na bansa tulad ng Quinta, Rolly, at Ulysses.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top