Categories: News

Pulong Duterte: Solusyon sa tagumpay pagpuksa sa droga

Share

KASALUKUYANG naghahatid ng tulong ang tanggapan ni Davao 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte sa People’s Park, Davao City ngayong araw.

Tinatayang lagpas sa 23,000 ang matutulungang displaced workers at mangingisda sa programa nito sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

Kasabay ng Livelihood Caravan ang libreng drug-test mula sa PDEA na naghihikayat ng malinis na pamumuhay para sa mga mamamayan.

Related Post

“Kahit sa umpisa pa lang po, bago pa man ang presidente, numero uno nang problema ang droga sa bansa. Sanhi ng korupsiyon at kasiraan ng mga pamilya. Ito ang bagay na dapat ipagpatuloy at mas pagtibayin pa upang tuluyang maging maayos ang bansa. Maayos na mamamayan at pagpuksa sa droga ang tanging solusyon,” pahayag ng mambabatas.

Nauna na rin namahagi ng tulong ang mambabatas sa ilang libong displaced workers mula sa hotels at samahan ng mga musikero sa Davao City upang makatulong sa kanilang pamilya.

Ang livelihood program ngayon ay sinabayan ng free drug-testing na idinaan sa PDEA bilang suporta sa kampanyang “Pangulong Rodrigo Duterte Laban sa Droga.”

“Ang aking tanggapan po ay sadyang naglaan ng budget para sa ginawang drug-testing, at tayo ay nagpatulong sa PDEA upang tama at mabilis ang drug-testing sa mga nagnanais magpa-test,” dagdag ng mambabatas.

hataw tabloid

Leave a Comment

Recent Posts

Kapuso stars kinilala sa Asia Pacific Luminare Awards

COOL JOE! ni Joe Barrameda HUMAKOT ng awards ang mga Kapuso star at personalities sa 4th Asia Pacific Luminare Awards. Sa ilalim ng… Read More

23 hours ago

Jasmine kay Alden — Abot kamay na kita

COOL JOE! ni Joe Barrameda NAINTRIGA at na-excite ang netizens sa pasilip ng upcoming GMA series na The World Between Us na pinagbibidahan nina Alden… Read More

23 hours ago

Alma Moreno ipina-Tulfo

INIREKLAMO at ipina-Tulfo pa ng may-ari ng inuupahang condominium unit sa Parañaque si Alma Moreno. Ito’y matapos umanong layasan na lamang ng… Read More

23 hours ago

Aktor ‘pinagpasa-pasahan’ ng mga kaibigang gay nang malasing

KAWAWA naman pala ang nangyari sa isang male sexy star.  Nalasing kasi siya nang husto sa isang pinuntahang party at nang malasing… Read More

23 hours ago

Dingdong kabado nang magpabakuna

I-FLEX ni Jun Nardo WALANG special treatment ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera nang magpabakuna ng Sinovac sa Taguig City last… Read More

24 hours ago

Robin nanganib nang maglayag

I-FLEX ni Jun Nardo INARAW-ARAW ni Robin Padilla ang pagkukuwento sa asawang si Mariel Padilla tungkol sa docu-film na Victor 88. Mapanganib kasi ang… Read More

24 hours ago