Friday , April 19 2024

John Arcilla, tampok sa biopic ng The Healing Priest na si Father Suarez

POSITIBO ang pananaw ng premyadong actor na si John Arcilla na susuportahan ng publiko ang kanilang entry sa 2020 Metro Manila Film Festival na pinamagatang Suarez: The Healing Priest.

Si John ang bida sa biopic ni Father Fernando Suarez, isa sa 10 official entry sa annual MMFF na mapapanood worldwide via Upstream simula sa December 25. Ito’y handog ng Saranggola Media Productions at pinamahalaan ni Direk Joven Tan.

Aniya, “Naniniwala ako na tatangkilikin itong pelikula namin lalo’t marami siyang (Father Suarez) followers at marami ang naghihintay nitong pelikula… na para sa kanila, karugtong itong pelikula ng pagmamahal nila kay Father Suarez. Sana ay suportahan ito ng lahat ng mga naniniwala kay Father Suarez.”

Makikita sa pelikula ang tungkol sa buhay ng tinaguriang healing priest-kung paano siya nagsimulang magpagaling ng mga may sakit, ang mga testimonya ng kanyang mga napagaling at maging ang mga kontrobersiyang ipinukol sa kanya at kung paano niya ito napagtagumpayan.

Ipinahayag ni John na napapanahon ang kanilang pelikula.

Wika niya, “Ngayon, kailangan na kailangan natin ibalik yung sarili natin sa pananampalataya natin, kung sino man ang Diyos-kasi naniniwala naman ako, ang Diyos marami siyang pangalan, puwedeng Allah, puwedeng Buddah, pero it’s the same God with different names.”

Lahad pa niya, “So for me it’s very special, kasi very timely siya sa nangyayari sa atin ngayon sa mundo at saka sa bayan natin. Ngayong may pandemya, ibibigay sa atin ng pelikula ‘yung nawalang paniniwala natin. Hahaplusin tayo ni Father Suarez through our film, kahit wala na siya.”

Naibahagi rin ni John ang isa sa highlight ng kanilang movie ay nang pagbintangan si Father Suarez ng kung ano-ano at gusto siyang parusahan ng ilang taga-simbahan. “Iyon iyong nasasaktan na siya, parang hinahanapan na siya masyado nang mali,” sambit ng aktor.

January this year nang ilabas ng Vatican na cleared si Fr. Suarez sa sexual molestation na isinampang kaso sa kanya ng dalawang altar boys, ilang araw bago namatay si Father Suarez.

Bukod kay John, tampok din dito sina Alice Dixson, Jin Macapagal, Marlo Mortel, Jairus Aquino, Rosanna Roces, Troy Montero, Rita Avila, at marami pang iba.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *