Friday , April 26 2024

Mga ‘dorobo’ at mandurugas na sekyu sa MOA

KAWAWANG taxi drivers na naghahatid ng pasahero sa Mall of Asia, maging mga pasahero ay umaangal din dahil kapag tumapat sa pasukan ng taksi ang sinasakyan mo papapasukin na ng mga security guards ang taksi sa pilahan at ikaw na kawawang pasahero ay kinakailangang  tumawid pa para makarating sa loob ng establisimiyento na pupuntahan mo.

Ang dahilan pala, lahat ng taksi ay kailangang magbigay ng halagang bente pesos sa nakaabang na security guards.

Ayon sa mga taxi driver, kung minsan galing lang sa malapit na lugar ang kanilang minamanehong taxi mababawasan pa ng bente pesos.

Obligado ang mga driver na dumaan sa pilahan ng taxi at kadalasan umaabot ng isang oras bago sila masakyan ng mga pasahero!

Tanong ng mga taxi driver, alam ba ito ng management ng MALL OF ASIA o sadyang raket lamang ito ng Security Guards. Sabi ng mga driver, buti pa ang mga guwardiya ay may regular na suweldo samantala silang taxi drivers ay base lamang sa kanilang kinikita dahil mayroon silang boundary fees sa taxi operators at kung minsan ay wala na nga silang kinikita nababawasan pa ng bente pesos kada hatid sa mga pasahero sa Mall of Asia.

Dapat daw, magkaroon ang MOA ng regular na taxi na pumipila hindi tulad sa mga taksing estranghero lang dahil may pasahero na nagpapahatid o pupunta sa Mall of Asia.

Galit na sinabi ng nagrereklamong taxi drivers na “mga dorobo at mandurugas” ang mga Security Guards ng MOA.

Sa management ng MOA, pati guwardiya n’yo rumaraket, siguradong may alam dito ang chief security! Kung sino ka man hudas ka! Hindi lang ikaw ang anak ng mundo! Kung walang taxi drivers na naghahatid ng pasahero,  bawas ang kostumer ng mga establisimiyento!

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *