Thursday , March 28 2024

Vhong, mala-Chiquito ang dating

DAHIL naging blockbuster sa takilya ang Mang Kepweng Returns, na pinagbidahan noong 2017 ni Vhong Navarro, kaya naman nagkaroon ito ng part 2, ang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim. Isa itong collaboration project ng Cineko Productions at Star Cinema. Mula ito sa direksiyon ni Tofel Lee at isa sa official entry sa darating na Metro Manila Film Festival 2020.

Sa digital media launch ng Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim, nagpasalamat si Vhong kay Jacklyn Jose, na muli niya itong nakasama sa second installment ng pelikulang pinagbibidahan niya.

Ang beteranang aktres ang gumaganap na nanay ni Vhong sa pelikula.

“Ako po si Mang Kepweng, anak po ako ni Miss Jacklyn Jose. Nagpapasalamat po ako sa kanya dahil tinanggap niya uli ‘yung part 2 ng ‘Mang Kepweng,’” sabi ni Vhong.

Nagkuwento si Vhong tungkol sa adventure niya sa nasabing pelikula.

“Si Mang Kepweng po kasi eh, patuloy siya sa panggagamot mula noong part 1 papunta po roon sa part 2. Kaya lang sa kanyang panggagamot, nagkaroon siya ng yabang o hangin sa katawan.

“Na akala niya eh, kaya niya na lahat, sikat na siya, hindi niya na kailangan ng friends. Later on, doon na nagkaproblema ‘yung bandana, mawawalan po ng bisa.

“Kaya po biglang lumabas ang bandanang itim. Kailangan ni MK at ng kanyang friends na hanapin ang iba’t ibang ingredients para maibalik ulit ‘yung kapangyarihan ng bandanang pula. Kaya naging adventure. Kumbaga, nag-travel kami kung saan-saan ng walang facial mask at face shield dahil that time eh, wala pa namang pandemic. At sa awa ng Diyos, natapos namin ‘yung pelikula na safe kaming lahat.”

May napanood ba siya na original na Mang Kepweng na si Chiquito ang bida? Si Chiquito ay ang namayapang komedyante na sikat na sikat noong 80’s.

“Hinahanap ko po talaga siya kung saan ko pwedeng mapanood. Kahit sa You Tube, nag-try ako. Kaya lang medyo madilim na po talaga, halos hindi na makita. Pero napapanood ko po talaga si Tochikits. Isa po talaga siya sa mga idolo ko pagdating sa komedya,” anang actor.

Ano sa tingin niya ang dahilan at siya ang napili at kinuha para magbida sa Mang Kepweng?

“’Yung ibang artista, hindi po kasi available. So ako lang po ‘yung..  Nakita akong dumaan sa koridor ng ABS-CBN. Baka pwede itong si Vhong,” natatawang birong sagot ni Vhong.

Dagdag niya, “Ang pagkakaintindi ko po roon sa part 1, kaya po ako napili, parang sinabi ni Mayor Rico (Roque) na parang nakikita niya ako kay Chiquito. Kaya po naisip nila na gawin ang ‘Mang Kepweng,’ at ako po ‘yung napusuan nilang gumanap. ‘Yun po.”

Ang role ni Vhong bilang si Mang Kepweng, ay isang albularyo. Naniniwala ba siya sa albularyo na pwedeng makapagpatigil o makagamot sa Covid-19?

“Parang hindi naman masama kung maniwala, eh. Kumbaga, kailangan talaga natin ng hope, lalo na sa pinagdaraanan natin ngayon. Kaya ‘yung mga frontliner talagang nagtutulong-tulong para makagaan o makatulong sa ating mga kababayan sa pingdaraanan nating pandemic.

“Siyempre, ang mga albularyo, matagal na silang nandiyan. Hindi sila nawawala sa mga probinsiya, sa mga lugar na kung saan eh ‘pag ang doktor ay hindi nila kaya ang budget o wala silang pera, ang takbukan ng mga tao, ‘di ba sa albularyo? Kumbaga, paniniwala po talaga ‘yun, eh. Kung may faith ka, gagaling ka, eh. ‘Yun po ang para sa akin,” paliwanag ni Vhong.

Ang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim will stream on http://upstream.ph simula sa December 25. Using your GMovies account, tickets can be purchased as early as now on the site for only Php 250 each.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *