Saturday , April 20 2024

Ashley Aunor a.k.a. Cool Cath Ash, pasok ang mga kanta sa “2020 Artist Wrapped”

Very, very proud Mommy, ang dating Apat Na Sikat member na si Maribel Aunor na kilalang businesswoman hindi lang sa maganda at popular na anak na si Marione Aunor, na bidang-bida sa pagkanta ng covers ng mga patok na OPM songs noong 80s. Maging sa bagong artist daughter na si Ashley Aunor a.k.a Cool Cat Ash ay super proud Mom si Lala. Oo nga naman, imagine kailan lang nagkaroon ng single niya si Ashley tapos napansin na ng Spotify at pasok ang kanta niya sa Star Music na Diyosa Ng Kaseksihan at Mataba para sa “2020 Artist Wrapped.”

Naging nominado rin sa Awit Awards 2020 Online Edition sa kategoryang Best Novelty Recording ang Mataba. Kaya sa tuwa ni Ashley ay agad siyang nag-post ng pasasalamat sa Itaas sa kanyang social media account.

“Woah didn’t expect this Thank you Lord for this blessing! I also wanna thank everyone who has been streaming my tracks. I hope my music has given you a dose of happiness despite how 2020 turned out #blessed #spotifywrapped #2020artistwrapped.”

Si Marione naman ay may release na original OPM Christmas song na “Ngayong Pasko” with Toma Cayabyab under Viva Records. Mapapanood ang Lyric Video ng song sa YT Channel ng Viva Records.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

About Peter Ledesma

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *