Tuesday , January 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Wendell at Dell Savior Ramos, pangatlong mag-amang gaganap na bading
Wendell at Dell Savior Ramos, pangatlong mag-amang gaganap na bading

Wendell at Dell Savior Ramos, pangatlong mag-amang gaganap na bading

MAITUTURING na ring makasaysayan ngayong 2020 at panahon ng pandemya, ang paggganap na ng mag-amang Wendell Ramos at Dell Saviour Ramos. 

Actually, sila ang pangatlong mag-amang aktor na gaganap na bahagi ng LGBTQ. Pero ang naunang mag-ma na gumanap na bading ay nangyari  maraming taon na ang nakalipas. At ang pagganap nila ay sa magkakahiwalay na taon. ‘Di gaya ng sa mag-amang Wendell at Dell,  parehong sa taong ito magpapakabading sa harap ng kamera.

Ang unang mag-ama ay sina Ronaldo Valdez at Janno Gibbs. Very memorable ang performance ni Ronaldo sa Mahinhin vs Mahinhin sa direksiyon ni Danny Zialcita (na yumao na noong 2013).

Si Janno, ayon sa nasaliksik namin, ay minsan nang gumanap na cross-dressing bading sa Nuts Entertainment ng GMA 7 noong 2013. Comedy series ‘yon.

Ang isa pang mag-amang gumanap ng gay sa mga hiwalay na proyekto ay sina Joey de Leon at Keempee de Leon. 

Isa sa mga sumikat na film series ni Joey ay ‘yung Barbie. Nag-bading din siya sa ilang pelikula, pati na ang ka-trio n’yang magkapatid na Tito at Vic Sotto. Pero malamang ay tumigil si Tito sa pagdadamit-babae sa pelikula noog naging politician na siya sa Quezon City at sa paglaon ay sa Senado ng bansa.

Noong 2013 naman tinanggap ni Keempee ang papel na cross-dressing  sa GMA 7 series na My Husband’s Lover na nagtampok kina Dennis Trillo at Tom Rodriguez, ‘yun ang kauna-unahang pagganap n’ya sa serye bilang isang bading. Sa mga comedy series lang dati siya nakakapag-bading-badingan.

Hindi mga cross-dressing gay ang hiwalay na pinasok ng mag-amang Wendell at Dell Savior ngayong 2020 at panahon ng Covid.

BL (Boys Love) sa Neo & Omar ang ginampanan ni Dell Savior sa Episode 8 ng Unlocked series na idinirehe ni Adolf Alix. Tapos na itong ipalabas sa website na GagaOOlala dahil noong September 3 pa ito ipinalabas. Doon inilunsad ang acting career ng panganay na anak ni Wendell.

Suportado ni Wendell ang career ng anak na mukhang malilinya muna sa BL projects. Nasa cast siya uli nang ibida siyang muli sa nine-episode BL series na Happenstance, starring Kiko Ipapo and Jovani Manansala.

Gaya ng Unlocked anthology, idinirehe rin ito ni Adolf at mag-i-streaming din sa GagaOOLala.

Sabi ni Direk Adolf, marunong talagang umarte si Saviour.

Hindi BL ang malamang ay ginagawa na ngayon ni Wendell na Joed, biographical film ng dating young actor na si Joed Serrano, ang prodyuser ng Anak ng Macho Dancer na idinirehe ni Joel Lamangan at nakatakda pa lang ipalabas.

Si Wendell ang gaganap na full adult nang Joed at ang bagong batang artistang si Charles Nathan ang gaganap sa young star noon na Joed Serrano.

Hindi BL ang Joed dahil si Joed na mismo ang nagsabing maraming ipakikitang sexcapades n’ya sa mga kapwa artista, politician, businessman na naka-sex n’ya for pleasure dahil gusto rin naman n’ya ‘yung ka-sex n’ya. At sa ilan doon ay bayad siya. Pero wala siyang naging boyfriend sa mga ‘yon, bagama’t may mga naging boyfriend siya later on.

Pam-BL ang hitsura at kilos ni Joed noong kabataan n’ya dahil hindi naman bading ang public personality nya–bagama’t noon pa man ay itsinitsismis na siyang bading, gaya rin nang nakasabayan n’ya sa That’s Entertainment na si Jovit Moya (na noong wala na siya sa showbiz ay at saka lang umamin na bading).

Malamang na kaya tinanggap ni Wendell ang Joed ay dahil si Lamangan ang magdidirehe nito. At si Joel din ang nagdirehe sa kanya noong una siyang gumanap na bading na ladlad sa Happy Hearts ng Regal Films noong 2007. Live-in lover sila ni Rustom Padilla sa istorya at nagladlad na si Rustom noong panahong ‘yon.

Saliksikan n’yo nga: baka rito lang sa Pilipinas may mga mag-aamang aktor na nakaganap na bading sa magkakahiwalay na mga pagtatanghal sa pelikula, TV, o entablado.

Matindi talaga tayong mga Pinoy.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top