Categories: Showbiz

Joed Serrano, naghahanap ng bibida sa Anak ng Burlesk Queen

Share

MGA seksing babae naman ang bibigyan ng break sa showbiz ng bagong film producer na si Joed Serrano ng Godfather Productions.

Hinahanap naman ni Joed ang seksing babae na lalabas sa bagong movie niyang Anak ng Burlesk Queen na ididirehe na naman ni Joel Lamangan, huh!

Take note, hindi pa nga naipalalabas ang unang venture niyang Anak ng Macho Dancer, gigiling naman ang Anak ng Burlesk Queen!

Of course, kapag ang pelikulang Burlesk Queen ang usapan, ang Star For All Seasons na si Congressswoman Vilma Santos-Recto ang maaalala.

Pasabog ang movie na ito ni Ate Vi na ipinalabas sa isang Metro Manila Film Festival. Nanalo ito ng maraming awards pero may mga umangal na sector at ipinasasauli ang mga award.

Pasabog ang ending ng movie na naka-two-piece bikini si Vilma na todo-giling sa stage habang umiiyak!

Ngayong araw na ito, November 4, ang casting call para sa Anak ng Burlesk Queen sa Sikat Studio, 2nd floor, #305 Tomas Morato Avenue, QC, 2-5PM only.

Siyempre, kailangan matapang, 20-25 years old at magaling na dancer ang kailangan para mapili sa lead role at supporting cast.

Take note, after Anak ng Burlesk Queen, ang tell-all life story naman ni Joed ang isa pa niyang ipo-produce!

Jackpot ang magiging artista ni Joed dahil galante siya sa mga artista niya, huh!

I-FLEX
ni Jun Nardo

Jun Nardo

Published by
Jun Nardo

Recent Posts

Aktor, mas kumikita sa ‘sideline’ kaysa pag-aartista

INGAT na ingat din pala sa kanyang ginagawang “sideline” ang isang male star na nagpalipat-lipat na ng kompanya pero hindi naman sumikat.… Read More

5 hours ago

Paul at Kelvin, nag-aagawan kay Mikee Quintos

ISANG best friend na may lihim na pagtingin kay Mikee Quintos ang role ni Paul Salas sa nalalapit na GMA Public Affairs fantasy-romance series na The Lost… Read More

5 hours ago

Rayver, masaya sa paglipat ni Janine

MASAYA naman si Rayver Cruz sa paglipat ng kanyang girlfriend na si Janine Gutierrez sa ABS-CBN dahil inaasahan niyon ang mas malalaking projects, kahit na nangangahulugan… Read More

5 hours ago

Joed, mala Rapunzel ang buhok Pinag-aagawan nina Ricky at Miko

HINDI nagustuhan ni Ricky Gumera ang pagtawag ng ‘babe’ ni Miko Pasamonte kay Joed Serrano. Hindi maikakaila na kung walang pulis sa buhay ni… Read More

23 hours ago

Rhea to Dingdong & Marian — Great things are in the horizon

INANUNSIYO ng CEO & President ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan sa kanyang FB account ang pinakabagong ambassador ng Beautederm ngayong 2021. Masayang-masaya nitong ibinalita… Read More

23 hours ago

Kho, nakapagpatayo ng mart dahil sa mushroom chips

MASAYANG ibinalita ng young businessman at CEO & President ng Mushbetter na si Bright Kho na bukas na ang kanyang dream project, ang MushBetter… Read More

23 hours ago