Categories: Showbiz

Direk Mae, sobrang na-pressure sa Four Sisters Before The Wedding

Share

MAY prequel ang blockbuster movie ng Star Cinema noong 2013 na Four Sisters and A Wedding na pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Angel Locsin, Shaina Magdayao, at Toni Gonzaga. Ito ay ang Four Sisters Before The Wedding.

Bida naman dito ang apat na most promising teen stars na sina Alexa Ilacad bilang si Bobbie (ginampanan ni Bea), Charlie Dizon as Teddie (played by Toni), Gillian Vicencio bilang si Alex (ginampanan noon ni Angel), at Belle Mariano as Gabbie (karakter ni Shaina). Mula ito sa direksiyon ni Mae Cruz-Alviar.

Sa ginanap na virtual mediacon ng FSBTW, inamin ni Direk Mae na naramdaman niya ang intense pressure nang tanggapin niya ito, lalo pa’t kasagsagan ‘yun ng franchise renewal issue ng Kapamilya Network.

“At that point, high ang emotions ko talaga that any project, whatever you give me, just so I could do my part to help, just so I can help create new content for the company, go, kung ano man iyan. So noong sinabi ni Inang (Olivia Lamasan), sabi ko yes, go!,” sabi ni Direk Mae.

Patuloy niya, “Noong tapos na ‘yung call, noong ilang days na, nag-sink in sa akin kung ano ba itong pinasok ko. Tama ba ‘yung decision ko na tanggapin ‘yung project, eh ‘Four Sisters’ iyan. Come on, napakalaking pelikula.

“Up to this day, it’s so relevant still. Hindi mamatay-matay ‘yung popularity niya. It’s such a classic film. This is the first project that I did during the pandemic.

“Major adjustment siya for me because time is of the essence. We only had limited shooting days, unlike before na we had double the number of shooting days. We had limited shooting hours as well. There’s no time for asking questions, for delays, nothing like that. The focus is to really isipin what will motivate me, what will motivate the team and everyone.

“I think we achieved that naman because we are happy with the output. We are happy sa naging samahan namin on set and the way we did it. Ang pressure, we set it aside and we all worked hard together to come up with this beautiful team,” mahabang paliwanag pa ni Direk Mae.

Kasama rin sa cast ng Four Sisters Before The Wedding sina Carmina Villarroel, Dominic Ochia, Clarence Delgado, Irma Adlawan, Kakai Bautista, Cai Cortez, Jameson Blake, Joao Constancia, Pinky Amador, Minnie Aguilar, Boom Labrusca, Jenny Miller, at introducing sina Jeremiah Lisbo and Gigi de Lana.

Ang Four Sisters Before The Wedding ay mapapanood worldwide simula sa Dec. 11 via KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV, Cignal PPV and Sky Cable pay-per-view.

MA at PA
ni Rommel Placente

Rommel Placente

Published by
Rommel Placente

Recent Posts

Aktor, mas kumikita sa ‘sideline’ kaysa pag-aartista

INGAT na ingat din pala sa kanyang ginagawang “sideline” ang isang male star na nagpalipat-lipat na ng kompanya pero hindi naman sumikat.… Read More

5 hours ago

Paul at Kelvin, nag-aagawan kay Mikee Quintos

ISANG best friend na may lihim na pagtingin kay Mikee Quintos ang role ni Paul Salas sa nalalapit na GMA Public Affairs fantasy-romance series na The Lost… Read More

5 hours ago

Rayver, masaya sa paglipat ni Janine

MASAYA naman si Rayver Cruz sa paglipat ng kanyang girlfriend na si Janine Gutierrez sa ABS-CBN dahil inaasahan niyon ang mas malalaking projects, kahit na nangangahulugan… Read More

5 hours ago

Joed, mala Rapunzel ang buhok Pinag-aagawan nina Ricky at Miko

HINDI nagustuhan ni Ricky Gumera ang pagtawag ng ‘babe’ ni Miko Pasamonte kay Joed Serrano. Hindi maikakaila na kung walang pulis sa buhay ni… Read More

23 hours ago

Rhea to Dingdong & Marian — Great things are in the horizon

INANUNSIYO ng CEO & President ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan sa kanyang FB account ang pinakabagong ambassador ng Beautederm ngayong 2021. Masayang-masaya nitong ibinalita… Read More

24 hours ago

Kho, nakapagpatayo ng mart dahil sa mushroom chips

MASAYANG ibinalita ng young businessman at CEO & President ng Mushbetter na si Bright Kho na bukas na ang kanyang dream project, ang MushBetter… Read More

24 hours ago