Tuesday , January 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktor, handang ‘makipagkita,’ basta may G-cash

Aktor, handang ‘makipagkita,’ basta may G-cash

MATINDI ang ilusyon ng isang dating male star na nagsimula sa isang talent search ng isang network. Nagtatawag siya sa kanyang mga kakilala, na sa palagay niya ay “may interest pa sa kanya”, at inuutangan niya ang mga iyon ng pera, na sinasabi niyang ipadala sa kanyang G Cash o sa isang on line account. Ang pangako niya ay “magma-Manila ako sa isang araw. Magkikita naman tayo.”

Maraming nagkuwento sa amin na inuutangan niya, pero mukhang lahat ay nagsabing hindi sila kumagat. Una, kilala raw ang male star na iyan sa “1-2-3.” meaning manloloko lang. Kinukuha lang niya ang pera pero hindi niya tinutupad ang pangako niyang bayad. Ikalawa, matanda na rin naman siya ngayon at iba na ang hitsura niya. Sino pa ba ang magkaka-interes sa kanya?

Mas mabuti pa pagbutihin na lang niya ang pagtitinda ng tapa, tocino, at embutido. Huwag na niyang ambisyoning makaloko pa. (Ed de Leon)

 

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top