Wednesday , January 20 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ken Chan, challenging ang bagong Kapuso series 
Ken Chan, challenging ang bagong Kapuso series 

Ken Chan, challenging ang bagong Kapuso series 

KAKAIBA at challenging ang karakter na ipakikita ni Ken Chan para sa upcoming Kapuso series na Ang Dalawang Ikaw. Kumakailan nga ay sumabak si Ken sa firearm training bilang paghahanda sa karakter sa serye na si Nelson.

Si Nelson kasi ay may dissociative identity disorder o DID kaya wala siyang malay na nakabubuo siya ng alternate personalities at isa riyan si Tyler, isang gun dealer/smuggler.  Extrovert si Tyler na malayong-malayo sa totoong personalidad ni Nelson. Magkakaroon din si Tyler ng girlfriend sa katauhan ni Beatrice, na gagampanan ni Anna Vicente, kahit pa may asawa na si Nelson, si Mia, na gagampanan naman ni Rita Daniela.

Makakasama rin nila sa drama sina Dominic Roco, Jake Vargas, JoanaMarie Tan, at Jeremy Sabido. 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top