Wednesday , January 20 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Andrea Torres, aminadong mabigat ang pagdiriwang ng Pasko
Andrea Torres, aminadong mabigat ang pagdiriwang ng Pasko

Andrea Torres, aminadong mabigat ang pagdiriwang ng Pasko

SA interview niya sa 24 Oras, ibinahagi ni Andrea Torres ang kanyang mga plano at hiling para sa darating na Pasko. Katulad ng nakaugalian, kasama ng Kapuso actress ang kanyang pamilya sa selebrasyon ngayong taon.

“Magiging memorable po siya kasi ang dami nating pinagdaanan this year. Feeling ko mas mabigat ‘yung dating sa atin ng pag-celebrate ng Christmas,” aniya.

Simple lang naman ang Christmas wish ni Andrea at ito ay ang maging maayos ang kalagayan nila ng kanyang pamilya.

“Ang gusto ko lang ay maging healthy ‘yung family ko at magkasama-sama na kaming lahat.”

Samantala, matapos gumanap bilang isang babaeng nambubugbog na mister sa episode ng Magpakailanman noong Sabado (November 28), isa na namang kakaibang karakter ang pinaghahandaan ni Andrea sa upcoming Kapuso teleserye na Legal Wives.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top