Categories: Opinion

Solons na ipinagtanggol ni Velasco sa red-tagging idiniin ni Digong bilang legal fronts ng CPP-NPA

Share

INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Makabayan Bloc sa Kamara bilang legal fronts ng CPP-NPA.

Ginawa ito ng pangulo nang tahas at walang pangingimi.

Sinabi ng Pangulo na tumpak na tumpak ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsasabing legal front ng partidong komunista ang Makabayan Bloc maging ang grupong Bayan at Gabriela.

Sa kanyang live broadcast nitong Lunes ng gabi mula sa Davao City, sinabi ni Duterte ang mga katagang — “We are not red-tagging you. We are identifying you as members in a grand conspiracy comprising all the legal fronts that you have organized headed by NDF tapos ‘yung NPA-CPP.”

Inamin mismo ng presidente ‘yan. Hindi lang pala sila nagre-red tagging o nagbabansag na ‘kaliwa’ ang Makabayan bloc kundi tahasang sinabi na sila’y legal front ng CPP-NPA.

Mukhang nagdedeklara ng ‘gera’ ang pangulo sa Kamara na pinamumunuan ng kaalyado niyang si Speaker Lord Allan Velasco na kamakailan ay ipinagtanggol ang Makabayan bloc sa red-tagging ng militar?!

Hindi kaya bumaligtad ang mundo ni Speaker Lord sa ginawang ito ni PRRD? Kung iisiping mabuti, mistulang inilaglag ni Digong si Velasco?

‘Di ba nga’t dinepensahan at ipinagtanggol ni Velasco ang mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc na sina Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat, Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, Kabataan Rep. Sarah Jane Elago, ACT Teachers Rep. France Castro at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas.

Matatandaang tinindigan ni Velasco ang Makabayan Bloc laban sa red-tagging ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict’s (NTF-ELCAC’s) spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr. Ang sabi ni Velasco, dapat mag-ingat ang AFP sa kanilang mga binibitawang salita kung wala naman matibay na ebidensiya.

E paano ngayon ‘yan Mr. Speaker? Si Pangulong Duterte na mismo ang nagsalita na ang Makabayan Bloc ay legal front ng mga komunista? Hindi lamang red-tagging ang ginawa ni PRRD, deretsahan niya talagang sinabi na ang Makabayan Bloc at iba pang katulad na grupo ay legal front ng CPP-NPA.

Hindi kaya naiisip ni Velasco na baka rumeresbak na sa kanya ang Pangulo dahil sa mga galawan ng Kamara sa kasalukuyan na mistulang hindi naaayon sa dapat sanang inaasahan mula sa isang taong malapit sa mga Duterte? Tulad na lamang ng pag-upo ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza bilang Deputy Speaker na alam naman ng lahat na palaging tumitira at pumupuna sa administrasyon ni Digong.

Matindi kasi ang pasabog na ito ni Duterte dahil mismong sa kanyang pahayag ay tinawag niyang mukhang ‘tae ng aso’ si  Makabayan Bloc member Rep. Carlos Zarate na tumatanggap pa umano ng pera mula sa mga oligarch at walang ginawa kundi banatan ang gobyerno.

“You are friends with the NPA. You co-conspirators. Komunista ka adre, matagal na. Alam ko. Alam ko kasi alam ko.”

Mukhang galit na galit ang pangulo dahil Binira din niya si CPP-NPA founder Joma Sison, dahil ang ideology umano nito ay pumatay na ng maraming sundalo at mga pulis. Kinuwestiyon niya si Sison kung ano ang nakita nito sa kanyang communist ideology.

Sabin ng pangulo wala mang mga ideolohiyang ipinaglalaban ang mga CPP-NPA dahil communal war na lamang at pagpapatiklop sa gobyerbo ang ginagawa nito.

Ano naman kaya ang masasabi ng house leadership tungkol dito? Aksiyonan na kaya ito ng Kamara ngayong hayagang inakusahan ni PRRD ang Makabayan Bloc bilang legal fronts ng CPP-NPA?

Naghihintay ang bayan kung ano ang gagawin ng Kamara tungkol dito. Sa Senado ay  iniimbestigahan na nila ang usaping ito na resulta ng pagbubunyag ng isang nagpakilalang Ka Eric na umano’y dating kadre ng CPP-NPA na ang Makabayan Bloc ay miyembro ng Partido Komunista.

Pero sa kanilang pagdalo sa pagdinig, itinanggi nina Zarate at Elago ang mga paratang.

Mismong ‘yung Ka Eric na ang naghamon nitong nakalipas na mga araw kay Velasco na suspendihin ang house rules at pagharapin sila at ang mga miyembro ng Makabayan Bloc sa isang pagdinig ng Kamara upang malinawan ang naturang isyu dahil nakaiinsulto aniya sa taong bayan na may mga Kongresista na pinapasahod ng buwis ng mamamayan pero kaaway mismo ng gobyerno.

Pero hanggang ngayon, nganga, at wala pa rin reaksiyon ang liderato ng Kamara.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Published by
Jerry Yap

Recent Posts

Aktor, mas kumikita sa ‘sideline’ kaysa pag-aartista

INGAT na ingat din pala sa kanyang ginagawang “sideline” ang isang male star na nagpalipat-lipat na ng kompanya pero hindi naman sumikat.… Read More

3 hours ago

Paul at Kelvin, nag-aagawan kay Mikee Quintos

ISANG best friend na may lihim na pagtingin kay Mikee Quintos ang role ni Paul Salas sa nalalapit na GMA Public Affairs fantasy-romance series na The Lost… Read More

3 hours ago

Rayver, masaya sa paglipat ni Janine

MASAYA naman si Rayver Cruz sa paglipat ng kanyang girlfriend na si Janine Gutierrez sa ABS-CBN dahil inaasahan niyon ang mas malalaking projects, kahit na nangangahulugan… Read More

3 hours ago

Joed, mala Rapunzel ang buhok Pinag-aagawan nina Ricky at Miko

HINDI nagustuhan ni Ricky Gumera ang pagtawag ng ‘babe’ ni Miko Pasamonte kay Joed Serrano. Hindi maikakaila na kung walang pulis sa buhay ni… Read More

22 hours ago

Rhea to Dingdong & Marian — Great things are in the horizon

INANUNSIYO ng CEO & President ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan sa kanyang FB account ang pinakabagong ambassador ng Beautederm ngayong 2021. Masayang-masaya nitong ibinalita… Read More

22 hours ago

Kho, nakapagpatayo ng mart dahil sa mushroom chips

MASAYANG ibinalita ng young businessman at CEO & President ng Mushbetter na si Bright Kho na bukas na ang kanyang dream project, ang MushBetter… Read More

22 hours ago