Monday , January 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Artista, reporter, at politiko, nakatikiman ni Joed
Artista, reporter, at politiko, nakatikiman ni Joed

Artista, reporter, at politiko, nakatikiman ni Joed

Serrano EXCITING at kaabang- abang ang pagsasa-pelikula ng buhay ni Joed Serrano, ang The Loves, The Miracles & The Life of…JOED na pagbibidahan ni Wendell Ramos, kasama ang promising actor na si Charles Nathan bilang batang Joed. Ididirehe ito ng mahusay na direktor na si Joel Lamangan, mula sa GodFather Productions  pa rin.

Sa pelikulang ito isisiwalat  ni Joed ang lahat ng pinagdaanan sa buhay. Masaktan na raw ang masasaktan at tamaan ang matatamaan dahil katotohanan lang naman ang ikukuwento niya.

Magiging parte ng pelikula ang unang karanasan niya sa sex sa isang reporter na pagkatapos ay kanyang iniyakan. Kasama ring mapapanood ang mga artistang nakatikiman niya na ang isa ay sikat na sikat noon na isang tall, dark and handsome na isa sa showbiz crush niya.

Idagdag pa riyan ang pakikipagtalik sa mga politiko, ‘di man tuwirang papangalanan ni Joed ang mga taong involved, titiyakin naman niya na kamukha ng mga ito ang kukunin niyang artistang gaganap.

Ayon pa kay Joed, nasa proseso na na tinatapos ang script at baka ito ang isunod nila pagkatapos ng inaabangan at controversial na pelikulang  Anak ng Macho Dancer na pinagbibidahan ni Sean de Guzman kasama sina Ricky Gumera, Charles Nathan, Jaclyn Jose, Allan Paule, Jay Manalo, Emilio Garcia, at Rosanna Roces na idinirehe rin ni Lamangan.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top