Monday , January 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aiko, tonsillitis at ‘di Covid ang dahilan ng pagkawala ng panlasa
Aiko, tonsillitis at ‘di Covid ang dahilan ng pagkawala ng panlasa

Aiko, tonsillitis at ‘di Covid ang dahilan ng pagkawala ng panlasa

MAGALING na si Aiko Melendez, wala na siyang tonsillitis at may panlasa na siya.

Dalawang araw bago tuluyang matapos ang lock-in taping ng teleseryeng Prima Donnas ay at saka nakaramdam si Aiko na wala siyang panlasa sa mga kinakain nilang pagkain sa set.

Kaya hayun, nataranta ang lahat sa taping kasama ang mga GMA executive at direktor nilang si Gina Alajar na kasama noong dinala sa ospital si Aiko at nalamang may tonsillitis kaya nawalan ng panlasa.

Nagpa-swab test ang aktres para malaman kung may Covid at negatibo ang resulta. Pero may mga nagkomento na itinago ni Aiko ang resulta dahil kailangan niyang tapusin ang last two taping days.

Kaya naman ipinadala kaagad sa amin ng aktres ang resulta ng swab test niya.

Aniya, “Ate sendan kita ng negative result ko kasi ang dami na nag msg akala nila pinipilit lang ako ng GMA to work okay talaga ako wala naman akong fever lost my sense of taste kasi me colds at tonsilitis ako. Kaya ganu’n but other than that wala na it must be fatigue also ate since I’m working almost everyday isang araw lang day-off ko.”

Anyway, tapos na ang taping ng Prima Donnas ngayong araw base na rin sa post ni Aiko na larawan nilang buong cast.

“And we are the #primadonnas Family!!!. As we come to the end of our Lock-in taping, I would like to take this chance to thank the hardworking staff and crew of our Show. Thank you! There were times we were at the edge of giving up because of the pressure of working in a pandemic situation. Lock-in taping is never easy, you are away from your family. But these people I am with in this picture, made this taping an environment full of fun and unity! I appreciate the fact that despite our busy schedule we still can manage to squeeze in our Worship day to offer and lift it all up to The Lord Thank you to my momma our director @ginalajar who took out the responsibility of being our 2nd mom on the set. To my co actors! Thank you! Not sure if book 2 is still in the works, but let me assure you whether there is or wala.

“This relationship we built is something I will treasure for the rest of my Life. I hate goodbyes. Only later! To ms @redgynn Thank you might be a simple word but it means a lot to me. Salamat for being the captain of the ship! For being the leader we needed on the set. Fun and easy to deal with! Mahal ka namen.

“As we end our lock-in taping now. Kendra might take a bow for now. Her evilness will end today but our viewers will still see us till next year! So sana watch pa dn kayo! It has been a great honor and blessing to be working with my Kapuso network who made me feel so loved considering iam not under contract. But you babied me and made me feel so special @gmanetwork Malay n’yo naman eto na un ahaha! Direk @ayatopacio thanks for the guidance! I appreciate it! Sir @erwyn08 ms @ysai_hilario21 salamat for caring lalo na when I got sick! I will not forget that its etched in my heart! To sum it all You will all be missed. Until our next who knows. Kendra signing off today from taping,” caption ng aktres.

Anyway, nag-post si Aiko ng larawan ng papa Jimi Melendez niya na ang ka-loveteam noon ay si direk Gina na direktor niya ngayon at nagsilbing nanay nila sa set.

 “Bago pa ang Kathniel and Lizquen Papa Jimi ko muna and si Direk Tuding Alajar ang magka-partner on screen. Bagay sila aminin! I’m very open and so as my mom Elsie Castaneda na dapat s’ya na lang ang step mom ko.  Eh di sana me libre akong acting tips lagi ahhahahaha.!  Hays papa naman, natorpe pa!  #flashback.”

Nabanggit din ng aktres ang Mama Elsie Castaneda niya ay gustong-gusto si direk Gina.

“’Di ba mama Elsie fan ka ni direk gusto mag punta sa set para sa picture with direk kaso bawal lumabas mama. So mama reminisce ka na lang muna sinong agree bagay sila (Jimi at Gina),” sabi pa.

As of now ay pauwi na ng bahay nila si Aiko at sabik na sabik na siyang makita ang pamilya.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top