Wednesday , January 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ricky Gumera, may ipakikita pa kahit nag-frontal na sa Anak ng Macho Dancer
Ricky Gumera, may ipakikita pa kahit nag-frontal na sa Anak ng Macho Dancer

Ricky Gumera, may ipakikita pa kahit nag-frontal na sa Anak ng Macho Dancer

MATAPANG. Palaban. Walang kiyeme. Ito si Ricky Gumera, na si Kyle sa Anak ng Macho Dancer na inabuso ng sariling ama, si Jay Manalo.

Unang pelikula pa lamang ni Ricky ang Anak ng Macho Dancer pero agad nasubok ang kanyang katapangan dahil na rin sa mapaghamong role na ibinigay sa kanya.

Tulad ng pagiging palaban sa buhay na lumaki sa squatter na nagdidildil ng asin para ipang-ulam, palaban din siya sa hubaran. Hindi niya alintana ang ipakita ang lahat-lahat, kahit hindi siya ang bida, basta magampanan ang papel na iniatang sa kanya.

Aminado si Ricky na malaki ang ginawa niyang adjustment sa pag-aartista. “Ang laki po talaga sobra. Kasi nga po galing ako sa pageant. Wala akong experience sa acting. Pero na-challenge ako sa ibinigay na role sa akin, tapos puro magagaling na actor pa ang kasama ko.

“Sino ba naman ako para tumanggi sa ibinigay na role. Imagine, unang pelikula pero ang kasama ko agad ‘yung mga artistang magagaling na tulad nina Jaclyn Jose, Jay Manalo, at Emilio Garcia? Saan ka pa?

“Marami akong natutuhan sa kanila. Ang madalas kong kaeksena si Ms. Jaclyn, Sir Jay, at Sir Emilio. Si Sir Allan Paule hindi ko nakaeksena pero nakakasama ko sa set. Si Ms. Rosanna Roces, hindi ko talaga nakita.

“Si Ms. Jaclyn, sinasabi niya, ‘wag mo akong aktingin, normal ka lang. Ganoon din ang sinabi ni Sir Emilio maging natural. Kaya naman ‘yun ang ginawa ko,” mahabang kuwento ni Ricky nang makapanayam namin siya sa isang bonggang pagpapakilala sa kanya ng kanyang manager na si Meg Perez ng Megamodels Events and Talent Management noong Linggo sa The City Club kasama si Joed Serrano, ng GodFather Productions at producer ng Anak ng Macho Dancer.

Sinabi pa ni Ricky na fulfillment ang ibinigay na role sa kanya sa Anak ng Macho Dancer kaya naman nang sabihin sa kanya ng kanilang director na si Joel Lamangan at ni Joed na may frontal nudity siya, hindi siya tumanggi.

“Marami rin po akong lovescenes dito bukod sa frontal nudity kaya dapat nilang abangan talaga.”

Sinasabing siya na ngayon si Totoy Mola. “Sobrang nakatutuwa kasi Jay Manalo ‘yan eh. Trademark niya ‘yan. ‘Pag binansagan kang bagong Totoy Mola, pabor sa akin ‘yan. May maipagmamalaki naman ako! At makikita n’yo sa movie ‘yan.”

At dahil palaban at naipakita na ang lahat, natanong namin si Ricky kung mayroon pa bang maipakikita pa kapag binigyan na siya ng launching movie.

Mabilis na sagot ng binata, “Marami pa po! Hindi lang naman ‘yung pagpapakita ng katawan ang inaabangan. Siyempre mahalaga pa rin ‘yung acting. At masasabi kong marami pa akong maipakikita in terms of acting! At sa hubaran, marami pa rin naman. Basta sinasabi ko, masisiyahan ang manonood dito sa Anak ng Macho Dancer. At masisiyahan pa rin sila sa mga pelikulang gagawin ko pa.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top