Wednesday , January 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bea Alonzo as Beautéderm Ambassador — I like being around strong and empowered women
Bea Alonzo as Beautéderm Ambassador — I like being around strong and empowered women

Bea Alonzo as Beautéderm Ambassador — I like being around strong and empowered women

“IT feels great!” Ito ang nasambit ni Bea Alonzo nang salubungin siya bilang dagdag sa lumalaking pamilya ng Beautederm Corporation. Isa na nga siya sa opisyal na endorser ng pinakabagong produkto nito na Etre Clair Refreshing Mouth Spray.

 Anang aktres na inihayag ang pagiging endorser kasabay ng kaarawan ng presidente at CEO ng Beautederm na si Rhea Anicoche Tan noong Huwebes, “I’ve always been curious about the brand. Gusto kung malaman kung paano lumaki ang kompanya at kung gaano kabilis lumaki ang pamilya nito.

“Marami akong mga kaibigan na bahagi ng Beautéderm family, and I’m happy that I can finally endorse this brand alongside them.”

Maligaya ang CEO ng Beautederm na bahagi na ng kanyang lumalaking pamilya si Bea. Aniya, simula nang umpisahan niya ang kompanya 11 years ago, isa na sa mga ultimate dreams niya ang makasama si Bea bilang bahagi ng illustrious roster of Beautéderm Brand Ambassadors. Kaya naman sobra-sobra ang kasiyahan ni Rhea nang nagkatotoo ang kanyang pangarap na kabilang na kanyang stable of amazing endorser ang mahinhin at matagumpay na batang aktres.

“Ina-admire ko si Bea,” giit ni Rhea. “It has always been a dream of mine to collaborate with her as an endorser of Beautéderm. Noong una, parang imposible ang pangarap kong ito dahil sa humble beginnings ng kompanya. 

“Kaya naman talagang nagsumikap kami hanggang ito na nga at nagkatotoo na ang pangarap namin. It took me 11 years to make my dream come true and Bea is truly worth the long wait. Napakasarap din katrabaho ng kanyang manager na si Ms. Shirley Kuan. Very professional at very humble siya – she is everything that I imagined her to be. This is truly a wonderful birthday gift to me.”

Sa kabilang banda, inspired din naman si Bea noong nakilala niya si Rhea. “Ang saya ko noong nagkita kami sa shoot namin. I like being around strong and empowered women. Excited ako sa aming future campaigns.”

Ang Beautéderm ang Etre Clair  ay dinevelop para kay Bea, isang bagong produkto na isang hygienic essential, lalo na sa gitna ng pandemya.

Ang Etre Clair ay isang antibacterial mouth spray kaya magiging bahagi na ito ng all-natural healthcare line ng brand. Magiging katuwang din ito ng bawat consumer sa kalusugan at kagandahgan. Made with 100% organic ingredients, mayroong potent antibacterial ingredients ang mouth spray na tumutulong sa mga throat discomforts na sanhi ng mga harmful microorganisms.

“These days, lagi kong ginagamit ang Etre Clair, and I suggest for everyone to use it as often to protect ourselves, lalo na ngayong mahirap ang kinakaharap natin. At organic at mint flavored pa ito. Fresh na fresh talaga ang feeling,” sabi ni Bea.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Etre Clair at para sa mgaexciting updates tungkol kay Bea Alonzo at sa Beautéderm, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top