Monday , January 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Zanjoe, hiwalay na sa Fil-Australian GF
Zanjoe, hiwalay na sa Fil-Australian GF

Zanjoe, hiwalay na sa Fil-Australian GF

ILANG mga litrato ang lumitaw nitong nakaraang araw na tila nagkukompirma sa hiwalayang Zanjoe Marudo at girlfriend niyang Filipino-Australian model-surfer Josie Prendergast.

Sa isang Instagram post, makikitang may kasamang bagong foreign guy si Josie, at mukhang napaka-close ng body language ng dalawa.Napaulat na Australian din ang lalaking kasama ni Josie sa nasabing post, at posibleng magkababata sila ng model-surfer.

Mayroon pang isang social media post na tila nagkukompirma sa ugnayan ng dalawa.

Napaka-low-key ng naging relasyon nina Zanjoe at Josie na nagsimula noong 2018. Hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang magkabilang panig sa relationship status nila.

Samantala, patuloy na inili-link si Zanjoe kay Angelica Panganiban, bagamat sinasabi nilang pareho na mabuti lang talaga silang magkaibigan.

Besides, mayroon na ngang rumored boyfriend si Angelica, na foreigner din.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top