Categories: Showbiz

Vice Ganda entry sa MMFF 2020, kumalas

Share

INILABAS na ng pamunuan ng Metro Manila Film Festival ang listahan ng mga pelikulang ipalalabas sa taunang pista ng pelikulang Filipino.

Kapansin-pansing wala sa listahan ang Praybeyt Benjamin 3, isa sa mga naunang inanunsiyong pelikula, na bida si Vice Ganda.

Sinasabing kumalas ang pelikula sa MMFF, kasama ang dalawang iba pang pelikula, dahil sa samo’tsaring isyu, ayon sa festival organizers.

Noong Hulyo, pinaringgan ni Direk Erik Matti ang pamunuan ng MMFF 2020 dahil sa pagsali nito sa lineup ng Praybeyt Benjamin 3. Ayon sa direktor, tila walang natutuhan ang industriya ng pelikula sa gitna ng pagsasara ng ABS-CBN at paglaganap ng streaming ng foreign films.

Nauna namang napaulat na ayon sa mga source sa Star Cinema, hindi talaga kakayanin ng production team ng Praybeyt Benjamin 3 na mag-shoot, gawa ng mga restriction sa rami ng tao sa set gawa ng Covid-19.

Sayang at wala na ang pelikula ni Vice sa MMFF 2020. Ang mga batang fans ni Vice ay siguradong malulungkot.Nasanay na kasi sila na tuwing Pasko ay may napapanood silang pelikula ng dyowa ni Ion Perez.

MA at PA
ni Rommel Placente

Rommel Placente

Published by
Rommel Placente

Recent Posts

Manolo, nagka-anxiety sa unang sabak ng lock-in taping

MEMORABLE ang first ever lock-in taping experience ni Manolo Pedrosa para sa GMA Afternoon Prime series na Babawiin Ko Ang Lahat. Pag-amin ni… Read More

9 hours ago

Love triangle nina Barbie, Migo, at Kate, tumitindi

CHALLENGING man at nakakapanibago ang naging lock-in taping ng cast ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, laking pasasalamat pa… Read More

9 hours ago

Tim Yap, nagpaliwanag sa tinuligsang party sa Baguio I am very sorry…There’s no excuse…everybody was tested

MUKHANG paninirang-puri lang sa napakasikat na eventologist na si Tim Yap ang mga naglabas ang litrato at video sa social media na… Read More

9 hours ago

Jaclyn Jose, aliw sa bagong apo Kasal nina Andi at Philmar, next year pa

SA nakaraang Anak ng Macho Dancer physical mediacon ay isa si Jaclyn Jose sa pinagkaguluhan para hingan ng detalye tungkol sa nalalapit na kasal… Read More

9 hours ago

Iñigo at Moophs, nag-collab sa All Out of Love ng Air Supply

SA Pebrero 5, Biyernes ilalabas ni Iñigo Pascual ang version niya ng awiting All Out Of Love, ang sumikat na kanta ng Air Supply noong… Read More

9 hours ago

Vice Ganda, sinadya o nagkataon: pagbanggit sa GMA-7

BUKOD sa A2Z  at Kapamilya channel, napanood na rin sa TV5 ang ASAP noong Linggo. Nagsanib-puwersa na kasi ang tatlong estasyon. At dahil espesyal ang ASAP last Sunday,… Read More

9 hours ago