Tuesday , January 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tambalang Boy at Gretchen, hahataw na sa Sabado Bago Live ng The Puregold Channel
Tambalang Boy at Gretchen, hahataw na sa Sabado Bago Live ng The Puregold Channel

Tambalang Boy at Gretchen, hahataw na sa Sabado Bago Live ng The Puregold Channel

AARANGKADA na ngayong Sabado, Nobyembre 28, 4:00 p.m. ang pinakabagong handog ng Puregold Price Club Inc., ang Sabado Bago Live. Ito ay bilang tugon sa kanilang commitment ng pag-innovate at pag-break ng new grounds. Ang Sabado Bago Live ay mapapanood ng live na live sa The Puregold Channel na ipapalabas sa official Facebook Page ng Puregold.

Latest addition ang Ang Sabado Bago Live sa exciting roster of shows na nag-i-istream sa The Puregold Channel. Naghahain ang show ng diverse range of topics kasama ang host nito – ang King Of Talk na si Boy Abunda at ang kanyang co-host na si Gretchen Ho.

Mula sa newest highlights sa larangan ng brand marketing at newsworthy personalities, hanggang sa latest celebrity updates at hottest online trends, maaaring abangan ng mga netizen ang lingguhang source ng refreshing information at entertainment sa bawat episode.

Binuo ang Sabado Bago Live para makapagbigay ng quality, topnotch entertainment sa milyon-milyong pamilyang Pinoy na nasa kanilang mga tahanan dahil sa pandemya. Idinisenyo ang lingguhang talk show na ito para sa viewing pleasure ng mga loyal online supporters ng Puregold na aabot sa halos 3 million followers sa pinagsanib-sanib na  platforms ng Facebook, Twitter, Instagram, at YouTube.

Ilan sa mga highly-anticipated segments show ay ang T.O.P Trending Online Posts, na magbibigay ang programa ng rundown ng mga trending social media buzz at entertainment news kada linggo; The Full Blast, na ipakikita naman ang istorya ng mga normal na tao na naging viral sa web; at Launch Pad, na naka-focus sa mga brand partner ng Puregold na ipakikilala ang kanilang mga first-in-market products at campaigns gayundin ang isang espesyal na segment na uupo si Kuya Boy kasama ang mga top celebrities sa isang exclusive, in-depth conversation kasama ang kanyang signature rapid fire questions.

“Espesyal ang relationship ko sa Puregold. Pamilya ko sila and I feel that I am home,” sabi ni Kuya Boy. “This is the very first time that I will be doing something like this in this format, streaming on a social media platform. Hindi ko alam how the show will turn out at sobra akong excited.”

Para sa mga update sa Sabado Bago Live at sa iba pang fantastic content ng The Puregold Channel, i-like ang @puregold.shopping saFacebook, sundan ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube.  (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top