Tuesday , January 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sylvia, Arjo, Joshua, at Angel, eeksena sa mga bagong episode ng MMK
Sylvia, Arjo, Joshua, at Angel, eeksena sa mga bagong episode ng MMK

Sylvia, Arjo, Joshua, at Angel, eeksena sa mga bagong episode ng MMK

TIYAK na marami ang matutuwa sa mga nag-aabang sa Maalaala Mo Kaya (MMK) dahil magbabalik ang  longest running drama anthology ng bansa para maghatid ng mga bagong kuwento ng pag-asa at pagbangon sa panahon ng krisis, kasama sina Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Jane de Leon, Angel Aquino, at Joshua Garcia.  

Tampok sa unang episode ng MMK, ang mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde na bibigyang buhay ng actor ang kuwento ni Dr. El Bactol, ang doktor na nagsakripisyo ng kanyang buhay dahil sa Covid-19. Makakasama rin dito si Jane de Leon na idinirehe ni Dado Lumibao. Panoorin ang  unang handog ng MMK ngayong Nobyembre 28, Sabado.

Kuwento naman ng mag-ama ang babandera sa Disyembre 12 tampok sina Joshua at Nonie Buencamino. Idinirehe ni Nuel Naval, iikot and kuwento sa mangingisdang si Layot (Nonie) at anak na si Maro (Joshua) na magkaiba and hangarin sa buhay. Alamin kung paano nila pinagsikapang abutin and kani-kanilang pangarap na magkasama.

Sa pagpasok naman ng bagong taon, mapapanood ng mga Kapamilya ang kuwento ng single mom at OFW na si Vagelyn Tumbaga-Pacio, na gagampanan ni Angel. Sundan ang kuwento ng kanyang pagtatagumpay bilang pinakatanyag na Filipino HR Director ng isang sikat na hotel sa Dubai.

Huwag kalimutang sundan ang mga kuwentong kapupulutan ng aral sa  MMK tuwing Sabado, 8:45 p.m. sa A2Z channel sa free TV at digital TV boxes gaya ng TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Patuloy pa rin itong mapapanood tuwing Sabado, 9:00 p.m.sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa) at sa digital TV boxes.

Ito rin ay nasa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa TFC, iwant app o iwanttfc.com.  Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top