Categories: Showbiz

Nora at Sen. Bong, ginawaran ng pagkilala sa 19th Gawad Amerika

Share

BINIGYANG pagkilala sina Nora Aunor at Sen. Bong Revilla sa ginanap na 19th Gawad Amerika Awards noong November 21 sa Los Angeles, California.

Ginawaran ang nag-iisang Superstar ng Lifetime Achievement Award in Performing Arts habang si Sen. Bong naman ay pinarangalan ng Lakandula Award.

Dahil pa rin sa Covid-19 pandemic, hindi nakadalo sa awards night ang Kapuso awardees at nagpadala na lamang sila ng video message bilang pasasalamat sa parangal na natanggap.

Mensahe ng Superstar, “Sa lahat ng tagahanga ko riyan sa Amerika, mga nagmamahal po sa akin, sa lahat ng sumusuporta, ang aking walang katapusang pagmamahal sa inyong lahat d’yan. Mula po sa puso, walang iwanan, love you.”

Puno rin ng pasasalamat ang mensahe ni Sen. Bong, “Isang karangalan po na tanggapin ang parangal na ito. Ang mga ganito pong pagkilala ang nagtutulak sa akin para higit pang magsumikap sa ating sagradong tungkulin sa bayan. Makakaasa po kayo na tulad ng inyong hangarin bilang isang tagapaglingkod sa bayan, patuloy ko pong isusulong ang kapakanan ng ating mga kababayan.”

Samantala, malapit nang muling mapapanood si Nora bilang Cedes sa pagbabalik-telebisyon ng Bilangin ang Bituin sa Langit habang bibida naman si Sen. Bong sa upcoming GMA show na Agimat ng Agila.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Joe Barrameda

Published by
Joe Barrameda

Recent Posts

Manolo, nagka-anxiety sa unang sabak ng lock-in taping

MEMORABLE ang first ever lock-in taping experience ni Manolo Pedrosa para sa GMA Afternoon Prime series na Babawiin Ko Ang Lahat. Pag-amin ni… Read More

9 hours ago

Love triangle nina Barbie, Migo, at Kate, tumitindi

CHALLENGING man at nakakapanibago ang naging lock-in taping ng cast ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, laking pasasalamat pa… Read More

9 hours ago

Tim Yap, nagpaliwanag sa tinuligsang party sa Baguio I am very sorry…There’s no excuse…everybody was tested

MUKHANG paninirang-puri lang sa napakasikat na eventologist na si Tim Yap ang mga naglabas ang litrato at video sa social media na… Read More

9 hours ago

Jaclyn Jose, aliw sa bagong apo Kasal nina Andi at Philmar, next year pa

SA nakaraang Anak ng Macho Dancer physical mediacon ay isa si Jaclyn Jose sa pinagkaguluhan para hingan ng detalye tungkol sa nalalapit na kasal… Read More

9 hours ago

Iñigo at Moophs, nag-collab sa All Out of Love ng Air Supply

SA Pebrero 5, Biyernes ilalabas ni Iñigo Pascual ang version niya ng awiting All Out Of Love, ang sumikat na kanta ng Air Supply noong… Read More

10 hours ago

Vice Ganda, sinadya o nagkataon: pagbanggit sa GMA-7

BUKOD sa A2Z  at Kapamilya channel, napanood na rin sa TV5 ang ASAP noong Linggo. Nagsanib-puwersa na kasi ang tatlong estasyon. At dahil espesyal ang ASAP last Sunday,… Read More

10 hours ago