Categories: Showbiz

Juancho Trivino, bugbog sarado kay Andrea

Share

BIBIGYANG-BUHAY ni Kapuso actor Juancho Trivino ang kuwento ng isang lalaking nakaranas ng pag-aabuso mula sa kanyang asawa sa fresh at brand new episode ng Magpakailanman (#MPK).

Masaya si Juancho na mabait at mapang-unawa ang asawang si kapwa Kapuso at celebrity host na si Joyce Pring.

Malayo ang karasanan niya sa kanilang pagsasama sa karanasan ng taong gaganapan niya sa real life drama anthology na #MPK.

Bibigyang-buhay kasi ni Juancho ang kuwento ni Mark, isang battered husband. “Ang pangalan ko rito ay si Mark. Ako ‘yung battered husband. Hindi ako battered husband in real life kaya medyo challenging sa ‘kin ‘yan,” pahayag ni Juancho sa Kapuso Brigade Zoomustahan na ginanap noong November 24.

Hindi rin napigilan ni Juancho na makaramdam ng awa sa kanyang karakter, lalo na at alam niyang isang totong tao ang role na gagampanan niya.

“Medyo challenging kasi siya for me dahil never akong naka-experience ng anything like this. Noong inaaral namin ‘yung script, noong inaaral namin ‘yung characters namin, awing-awa kami roon kay Mark sa totoong buhay. I really felt for him,” aniya.

Inilarawan din niya ni Juancho ang kanyang karakter bilang pinakamahirap na roles na ginampanan niya.

“’Yung character kasi is this security guard na hindi nakakapag-provide sa family niya kaya nagkakaroon sila ng conflict ng wife niya. ‘Yung wife niya, nagre-rersort to pambubugbog. Super duper heavy drama siya. Matagal kong pinaghandaan. Isa sa pinaka-challenging role na ginawa ko ever,” kuwento ni Juancho.

Makakasama ni Juancho sa episode si Andrea Torres na gaganap bilang si Arlene, ang asawa niya at si Angela Alarcon bilang kababatang  si Anna.

Abangan ang pagganap ni Juancho bilang isang battered husband sa episode na pinamagatang Mister, Bugbog Kay Misis ngayong Sabado, November 28, 8:15 p.m. sa Magpakailanman (#MPK) sa GMA.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Rommel Gonzales

Published by
Rommel Gonzales

Recent Posts

Manolo, nagka-anxiety sa unang sabak ng lock-in taping

MEMORABLE ang first ever lock-in taping experience ni Manolo Pedrosa para sa GMA Afternoon Prime series na Babawiin Ko Ang Lahat. Pag-amin ni… Read More

9 hours ago

Love triangle nina Barbie, Migo, at Kate, tumitindi

CHALLENGING man at nakakapanibago ang naging lock-in taping ng cast ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, laking pasasalamat pa… Read More

9 hours ago

Tim Yap, nagpaliwanag sa tinuligsang party sa Baguio I am very sorry…There’s no excuse…everybody was tested

MUKHANG paninirang-puri lang sa napakasikat na eventologist na si Tim Yap ang mga naglabas ang litrato at video sa social media na… Read More

9 hours ago

Jaclyn Jose, aliw sa bagong apo Kasal nina Andi at Philmar, next year pa

SA nakaraang Anak ng Macho Dancer physical mediacon ay isa si Jaclyn Jose sa pinagkaguluhan para hingan ng detalye tungkol sa nalalapit na kasal… Read More

9 hours ago

Iñigo at Moophs, nag-collab sa All Out of Love ng Air Supply

SA Pebrero 5, Biyernes ilalabas ni Iñigo Pascual ang version niya ng awiting All Out Of Love, ang sumikat na kanta ng Air Supply noong… Read More

9 hours ago

Vice Ganda, sinadya o nagkataon: pagbanggit sa GMA-7

BUKOD sa A2Z  at Kapamilya channel, napanood na rin sa TV5 ang ASAP noong Linggo. Nagsanib-puwersa na kasi ang tatlong estasyon. At dahil espesyal ang ASAP last Sunday,… Read More

10 hours ago