Tuesday , January 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bea Alonzo, umalis na sa Star Magic
Bea Alonzo, umalis na sa Star Magic

Bea Alonzo, umalis na sa Star Magic

TINANGGAP ng ABS-CBN ang desisyon ni Bea Alonzo na iwan ang management na matagal na nangalaga sa kanya, ang Star Magic. Sa ngayon, kinuha niya si Ms. Shirley Kuan bilang manager niya.

Sa statement na ipinalabas ng ABS-CBN, sinabi nilang tiwala sila kay Ms. Kuan, na beterana na sa industriya, na mapapangalagaan nitong mabuti si Bea tulad ng atensiyon at alagang ibinigay ng Star Magic. Nakipag-coordinate na rin ang Star Magic kina Bea at sa bago nitong management para matiyak ang maayos na transition.

Bagamat wala na sa poder ng Star Magic ang aktres, mananatiling Kapamilya si Bea.

Narito ang kabuuang statement ng ABS-CBN.

“After a series of consultations, Bea Alonzo has decided to pursue her professional goals under a new talent management. Bea has subsequently advised ABS-CBN that she has appointed Ms. Shirley Kuan to represent her as manager.  We respect her decision.

ABS-CBN has full confidence that Ms. Kuan, an industry veteran, will manage Bea with the same attention and care that Star Magic has devoted to Bea’s professional career. Star Magic is coordinating with Bea and her new management to ensure a smooth and seamless transition.

Even if Bea is no longer with Star Magic, she will always remain a Kapamilya.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top