Tuesday , January 19 2021
Breaking News
You are here: Home / News / 12 incumbent solons na may kickback sa DPWH projects tukuyin – Infrawatch
12 incumbent solons na may kickback sa DPWH projects tukuyin – Infrawatch

12 incumbent solons na may kickback sa DPWH projects tukuyin – Infrawatch

HINAMON ng think-tank group na Infrawatch PH, si Presidential Anti Crime Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica na huwag magkubli at matapang na pangalanan ang 12 kongresistang corrupt na may porsiyento o kickbacks sa DPWH projects.

Ayon kay Infrawatch PH Convenor Terry Ridon, hindi dapat magtago si Belgica sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang hurisdiksyon kaya hindi niya isasapubliko ang nilalaman ng PACC report na nagdedetalye ng korupsiyon sa DPWH na sangkot ang mga congressman.

“There’s no going around it. PACC should divulge the names of members of Congress allegedly involved in DPWH corruption, because failure to do so taints entirely the integrity of Congress as an institution. The agency should not hide behind the President’s pronouncement rejecting disclosure, because the information on the matter was sourced entirely from the PACC itself,” paliwanag ni Ridon.

Sa oras na matanggap ng Office of the Ombudsman ang PACC report mula sa Malacañang ay may obligasyon itong isapubliko ang mga pangalan kaya naman walang dahilan para ipitin ito ni Belgica.

Ganito rin ang paliwanag ni Justice Undersecretary Adrian Sugay.

Aniya, kapag nai-forward na kay Ombudsman Samuel Martires ang PACC report ay bahagi na ito ng public record kaya matutukoy din ang pangalan ng 12 kongresista na iisyuhan ng subpoena.

Aminado si Sugay, bilang taxpayer ay nais din niyang malaman kung sino-sino ang mga tiwaling mambabatas na tinukoy sa report.

“Gusto ko rin malaman, kasi ang pinag-uusapan riyan ay bilyon-bilyon lalo sa DPWH,” pahayag ni Sugay.

Sa 12 congressman na tumanggap ng payola, may ilang P10-milyon kickback sa government funded na DPWH project, may isang humihingi ng hanggang P100 milyon habang ang iba ay 5% hanggang 15% ang cut sa infrastructure budget sa kanilang distrito.

Habang pinupukol ang Kamara sa korupsiyon, nanatiling tahimik ang House Leadership ukol dito at walang reaksiyon ang tanggapan ni House Speakear Lord Allan Velasco.

Sa ilalim ng House Rules ay maaaring magsagawa ng imbestigasyong motu propio ang House Ethics Committee laban sa mga kongresista na isinasangkot sa katiwalian ngunit aminado si Iloilo Rep. Janette Garin na “waste of time” lamang iyon.

“Sa pananaw ko, knowing the institution and having been in Congress for a long time before, sometimes, it’s not that worth it if we will be investigating colleague lalo na kung marami. Investigating it in the House where the allegations are also pointing to colleagues, or members, or former members or other government official it will just be a waste of time and resources,” paliwanag ni Garin.

Nangamgamba ang Infrawatch na kung hindi tutukuyin ang 12 congressman ay mauulit muli ang korupsiyon sa 2021 budget na nasa P650 milyon hanggang P15 bilyon ang infrastructure funds ng bawat kongresista na nakapasok sa DPWH budget.

 

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top