Tuesday , January 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Media liaison ni Velasco natutulog sa pansitan?
Media liaison ni Velasco natutulog sa pansitan?

Media liaison ni Velasco natutulog sa pansitan?

NASAAN ang ‘hepe’ ng media liaison ni House Speaker Lord Allan Velasco?

                Bakit natin itinatanong ito?

                Aba sa rami ng mga isyung dapat sagutin ni Speaker Lord hindi natin nararamdam ang kanyang communications group.

                Kumbaga sa boksing, mabibigat na kamao na ang tumatama sa mukha ni Velasco pero ‘yung ‘hepe’ ng media liaison niya ay parang ‘tutulog-tulog’ pa rin sa pansitan.

                Hoy gising!

                Speaker Lord, ano ba ang katotohanan sa congressional insertions na dati’y singlaki lang ng ‘birthday balloons’ pero ngayo’y singdambuhala na ng ‘hot air balloons?’

                Mukhang hindi nagtatrabaho ang media liaison mo, Speaker Lord!

                Mukhang ‘tamemeng-tameme’ kahit kabi-kabila na ang upak sa iyo mismo.

                 Kanino ba ang ‘loyalty’ niyan, nasa iyo pa ba Speaker Lord?

                Just asking…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top