Monday , January 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kitkat, inuulan ng suwerte kahit may pandemya
Kitkat, inuulan ng suwerte kahit may pandemya

Kitkat, inuulan ng suwerte kahit may pandemya

INUULAN ng suwerte si Kitkat dahil sunod-sunod ang dating ng magagandang proyekto sa kanya.

Regular itong napapanood sa noontime show nila nina Janno Gibbs at Anjo Yllana sa Net25,  ang Happy Time  na ani Kitkat ay sobrang laking blessing dahil dito niya naipakikita ang kanyang versatility bilang artist. Dito rin kasi ay naipakikita niya ang talent sa hosting, pagkanta, at pagsayaw.

Malaking bagay ang pagkakasali niya sa Happy Time dahil tuloy-tuloy ang trabaho kahit kasagsagan pa rin ng pandemiya, habang ang ibang artista ay walang trabaho.

Kaya naman labis-labis ang kanyang pasasalamat sa pamunuan ng Net 25 dahil pinili siya na mapabilang sa host ng naturang noontime show.

Dagdag pa rito ang pagiging ambassador ng iba’t ibang produkto katulad ng Beautederm ni Rhea Anicoche-Tan.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top