Monday , January 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Betong, nagpa-online benefit concert para sa mga apektado ng bagyo
Betong, nagpa-online benefit concert para sa mga apektado ng bagyo

Betong, nagpa-online benefit concert para sa mga apektado ng bagyo

HILING ng Kapuso comedian na si Betong Sumaya na muling makaahon ang mga naapektuhan ng hagupit ng nagdaang mga bagyo. Kaya naman, sa kanyang recent birthday celebration ay nagkaroon siya ng online benefit concert para matulungan ang mga residenteng nasalanta.

Ginanap noong November 21 ang BTS – Betong’s Tonight Show A Birthday Benefit Concert for the victims of Typhoon Ulysses live sa kanyang YouTube channel na nakasama niya ang ilang kapwa Kapuso stars para mag-perform.

Kabilang dito sina Ruru Madrid, Maey Bautista, Boobay, Valeen Montenegro, Lovely Abella, Denise Barbacena, Kakai Bautista, Kim de Leon, Jeremiah Tiangco, Anthony Rosaldo, Jeremy Sabido, Dani ng grupong XOXO, at Lowell Jumalon.

Maaaring mapanood ang virtual concert sa kaniyang YouTube channel. Samantala, abangan si Betong sa weekend variety show na All-Out Sundays at sa GMA Entertainment comedy channel na YouLOL.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top