Wednesday , January 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Raquel Pempengco, ina hindi kinakawawa, Jake Zyrus (Charice) fake news victim (Nagpakita ng video)
Raquel Pempengco, ina hindi kinakawawa, Jake Zyrus (Charice) fake news victim (Nagpakita ng video)

Raquel Pempengco, ina hindi kinakawawa, Jake Zyrus (Charice) fake news victim (Nagpakita ng video)

AYAW namin gumaya sa ilang vloggers na mahilig magpakalat ng fake news.

Kaya para straight from the horse’s mouth, aming kinompirma at kahapon ay naka-chat namin ang controversial mother ni Jake Zyrus (Charice) na si Mrs. Raquel Pempengco na bagong friend namin sa FB at agad naman kaming pinaunlakan.

Dalawang isyu ang involve si Mommy Raquel, una ang matitinding akusasyon sa kanya ng inang si Mrs. Tess Pineda at pangalawa ay ‘yung buntis si Jake na kanya raw kinompirma, ayon sa vlogger ng Showbiz PH TV na nilagyan pa ng damuho ng picture ng mag-ina.

“Lahat ng failure ng nanay ko ay sa akin ibinibintang. Frustration niya sa buhay na nangyayari sa akin. Kasi lahat ng mga gamit na naipundar ko ay sa kanya raw. Iba na ang isip ng nanay ko, mas lumala na ngayon, na ipina-Tulfo pa siya,” paglilinaw ni Raquel.

“Sa aming magkakapatid ako lang naman ang tumutulong sa nanay ko. Maganda ang trato namin sa kanya ng anak ko at kasama sa bahay.

“Makikita naman ninyo sa video na naka-upload sa FB ko, ebidensiya ko sa netizens na hindi ako kilala, na nagkakantahan pa sila na nag-eenjoy ang nanay ko.

“Nasaan ‘yung ebidensiya na minamaltrato at ginutom namin siya. Everytime na ibinibili namin siya ng gamot, pinagbibintangan kami na nilalason namin siya, saan ako lulugar?

“Oo nanay ko siya at inirerespeto kaya everytime na bumabalik siya rito sa akin sa Cabuyao, Laguna ay dalawang kamay ko siyang tinatanggap.

“Dahil sa paninira ng nanay ko sa akin, ang liit na ng tingin ng mga tao sa akin pero wala naman akong dapat ipaliwanag lalo’t hindi naman totoo ‘yung mga inaakusa sa akin ng mother ko.”

Mahabang paliwanag ni Mrs. Pempengco na galit sa vlogger (Showbiz PH TV) na nagpapakalat ng maling tsismis kay Charice na buntis ang anak.

“Never akong na-interview ng vlogger na ‘yan na puwedeng idemanda. Wala akong nakakausap na reporter o vlogger na sinabi ko at ini-confirm na buntis ang anak ko, hindi totoo ‘yan. Para lang sila kumita nag-iimbento ng issue?”

Samantala, alam raw ni Mommy Raquel, na kahit hindi sila nagkakausap nang halos limang taon na ni Charice, darating ang araw ay lalapit ito sa kanya.

“Pag need po ako niyan, magre-reach out po ‘yan sa akin,” paniniguro ng controversial Mom.

Oo naman agree, kami sa sinabi ni Mommy Raquel at ang pamilya ay pamilya. Ang bunsong kapatid na lalaki ni Charice na si Carl, ang kasama ni Mommy Raquel sa Cabuyao.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top