Saturday , January 23 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / LA Santos, positibong makalilikha ng Classic OPM Christmas Song gaya ng “Christmas In Our Hearts” ( 7K Sounds ng sikat na singer)
LA Santos, positibong makalilikha ng Classic OPM Christmas Song gaya ng “Christmas In Our Hearts” ( 7K Sounds ng sikat na singer)

LA Santos, positibong makalilikha ng Classic OPM Christmas Song gaya ng “Christmas In Our Hearts” ( 7K Sounds ng sikat na singer)

Tuloy-tuloy ang dating ng entries sa pamamagitan ng email sa 7K Sounds Studio para sa Search for the Sound of Seven Thousand Christmas Songs na inorganisa ng isa sa sikat na Star Music artists na si LA Santos, ang founder din ng 7K Sounds katuwang ang very loving and supportive mother na si Madam Flor Santos at Direk Alco Guerrero.

Dapat ay original na pamaskong awitin ang isa-submit mong entry para mapabilang sa pagpipilian at mag-uumpisa na ang contest sa December 4 hanggang December 10. Sa December 11 naman gaganapin ang finals para sa mapipiling winner.

Sa 7,000 original Christmas songs entries ay positibo si LA, na makalilikha sila ng pamaskong awitin na hindi lang papatok kundi magiging classic pa tulad ng “Christmas In Our Hearts” ni Jose Mari Chan na global ang kasikatan at “Pasko Na Sinta Ko” ni Gary Valenciano at iba pa.

Napakatalentado ng Pinoy at siguradong isa sa 7,000 kompositor ay makagagawa nito. Si Gretchen Ho pala ang host ng umeereng digital show ng 7K Sounds na every episode ay may feature entries.

Sa mga gustong humabol you can send your entry to [email protected]

Sa singing career naman ni LA, dalawa sa hit single niya na Hibang at Tinamaan ang mapapanood sa YouTube channel ng Star Music na may 5.88M subscribers.

Mahusay na actor rin si LA Santos at kanya itong pinatunayan sa 2018 movie ni Cristine Reyes na Maria  na matagal ipinalabas sa NETFLIX. This year ay parte si LA ng cast ng Mamasapano movie na pinagbibidahan nina Edu Manzano, Aljur Abrenica, JC De Vera et al.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top